Graduation ka [sana] ngayon…
Posted in Events, About Me, School on November 29th, 2006
November 29. The day I was looking forward to before the series of unfortunate events happened. Siguro by this very moment, tinatawag na sana ang name ko sa PICC. Pero hindi e. Eto ako. Nagdadrama sa bahay. Iniimagine ko na lang na sana nandun ako. And to think na nagmamartsa ngayon ang ilang undeserving graduates*? Lalong nakakaasar. Dapat nga matutulog na lang ako o kaya manonood ng Happy Feet kaya lang wala akong pera kaya nag sound trip na lang ako. Pinatugtog ko yung graduation march! Hehe…
At sino ba ang hindi maasar pag eto pa ang dadatnan mo sa YM?

Okay sana tong classmate kong ito e. Alam ko naman deserve nya grumadweyt. Pero i-broadcast daw ba? Tapos pag tingin ko sa avatar nya, naka dirty finger pa? Nakakaasar na nga, nangasar pa. Sino ba ang ineexpect nyang makakabasa nyan? E lahat ng graduates nasa PICC ngayun? Nangaasar ba yan talaga or sobrang proud lang? Sinayang lang nya kuryente sa bahay nila kung iiwan nya lang ang PC nya habang gumradwyet lang sya saglit.
Hay…congratulations na lang sa kanila. Pasalamat sila wala pa si bagyong Reming para i-ruin ang araw na ‘to (katulad na pagru-ruin ni Milenyo sa thesis at graduation ko…). Ga-graduate din ako. Makikita nyo…hehe…
============================
* Yung mga grumadweyt na undeserving:
- nagpagawa ng thesis
- gumawa ng thesis 2-3 weeks before submission
- may kagrupong masipag at magaling

