Ghost Rider / Bridge to Terabithia Movie Review

Posted in Movies on February 25th, 2007

Ghost Rider is officially the first movie that I’ve seen using my own hard-earned salary. Even though I knew that this is not the kind of movie in which I will spend my first salary, I have no other choice because since this is the only good option that’s showing in G4 at that time. I’m not disappointed with the movie anyway. I really enjoyed it but I felt that the overall movie doesn’t justify my decision to spend my first pay on this film.
I have to turn off my common sense to enjoy the movie. Yes it has many funny moments but there arises some cheesy and lame dialogues. Although the special effects are spectacular and there are numerous “money shots”, there’s nothing more special about this movie. It was just like a sequel to Underworld: Evolution. Eve Mendes is one of this movie’s main attraction but there are times that she fails to mystify me. May angle sya na maganda, pero mas maraming panget. There’s something on her face talaga. Anyway, enough on the face, she’s still sexy especially on outfits she’s wearing on EVERY scene…hahah…
RATING: 6/10

When I saw the promotional ad of Bridge to Terabithia on TV, I thought it was another kid’s movie set on a magical kingdom similar to that of Narnia. And I thought it was gonna suck since Eragon sucked too. But then I was surprised that it got very positive reviews in RottenTomatoes so I decided to watch it with my friend.
It was a heartbreaking movie. I actually cried many times during the last third of the movie. I will not say much. I encourage teens and adults to see it. This is definitely NOT a children’s movie. Contrary to the trailer, there’s little fantasy elements in the film (about a total of 10 minutes) that may attract children 10 years old and below. Just don’t bring kids. Mag-iingay lang sila. This movie is for adults.
RATING: 9/10

My First EVER Cellphone

Posted in About Me, Technology on February 16th, 2007

Believe it or not, at age 20, ngayun lang ako nagkasariling cellphone sa buong buhay ko. Nung college ako, 99.9% yata ng estudyante sa Mapua ay may cellphone. Kasama ako dun sa 0.01% na wala pa…ever. Eh hindi naman kasi ako humingi ng cellphone sa nanay ko e. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nahilig mag text o bakit hindi ako naiiingit sa mga kapatid kong mas bata pa sa akin na nauna nang magkaroon ng cellphone. I just don’t find it as a necessity. Hindi naman kasi ako gala. Kung may lakad man na mahalaga, dun ko lang naiisipang hiramin yung phone ng kapatid ko. Eh kaso hindi naman pala-lakwatsa kaya wala lang…kuntento na ako na walang cellphone.

Read more »

Transition Phase

Posted in Work, About Me, School on February 9th, 2007

It’s been a week since the graduation ceremonies. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakatapos na ako ng college. Akala ko noon, day after ng graduation, tutunganga lang ako na parang “Now what?” pero fortunately may trabaho na agad ako.

Speaking of work, under ako ng one month training sa GT Tower about C#.NET. Buti na lang may training kasi ayokong isasabak agad ako sa trabaho ng ganun ganun na lang. At magkakaroon ako ng chance na maka-vibes ang mga  makakasama ko sa trabaho. Medyo nakakapag-adjust na rin ako kahit papaano. Hindi ko pa nailalabas ang character ko sa kanila. Usually kasi, tahimik lang talaga ako hanggang walang kumakausap sa akin. Unti-unti lang ako dumadaldal habang tumatagal. Pero hindi ko pa naa-unleash yung character ko na alam ng mga high-school at college friends ko. Hahah… That’s why I’m sticking with my “Gollum” avatar not because of being an LOTR fanatic but because it symbolizes my dual personality. (One good, the other evil?). Not to mention na Gemini ang zodiac sign ko….twins.

Mahirap sabihin kung sino-sino sa mga ka-officemates mo ang ka-edad mo. Akala ko nung first day, pare-pareho kaming newly-graduates. Magugulat ka na lang na 25-30 something na sila at yung iba may pamilya na pala. Hindi halata sa mukha. At dahil first name basis ang tawagan sa’min, minsan lang ako mag ‘ate’ at ‘kuya’ lalo na sa akala kong ka-edaran ko lang nung una, yun pala 5 years ahead sa akin.

Meron naman akong co-trainee na ka-edad na yata ng nanay ko. Mga 50+ na yata pero hangang-hanga ako kasi willing pa rin sya matuto ng bagong language. That only proves that nobody stops learning.

Ma-mi-miss ko ang school. Yung pagbabayad ng P6 sa jeep. Mga college friends. Mga professors. Pero hindi ko mami-miss ang paggising ng maaga, paghahabol ng deadlines, sleepless nights at stress kasi alam kong ganito pa rin ang buhay ko even after I finish school…

First Week of Work

Posted in Work on January 12th, 2007

Katatapos lang ng first week ko. Eto…medyo nag-aadjust pa. Nakikiramdam. Yung mga kasabayan kong new hires akala ko mga Junior / Associate Software Engineer din ang position, yun pala ang tataas na nila. Mga 25+ na pala sila pero mukha lang silang bata. Ako lang pala ang walang experience sa lahat.

First 2 days, New Joiners Orientation. Masaya kasi puro talk lang at libre pa merienda at lunch. Nung Wednesday, pinadala na ako sa location ko. Hanggang Friday, tumunganga lang ako dun kahit binigyan na nila kami ng checklist ng mga dapat gawin once na nasa workplace ka na. Kaya lang wala pa kaming permanent na cubicle at PC kasi hindi pa dumadating ang mga bagong order na machines. Wala pa din akong Enterprise ID para maka-access sa Accenture Portal. Halos lahat ng mga items sa checklist required yung ID. Nakaka-boring tuloy. Feeling ko napaka-useless ko dun. “Napaka-productive”. Katabi ko pa naman yung dating prof ko sa Database Management. Nagse-self study na nga lang ako sa net para hindi mukhang nabo-bore ako. In-assure naman sa aking ng college batchmate ko na ganito lang daw talaga kapag mga first few days mo kaya hindi na ako masyadong na-guilty sa pagiging ”productive” ko. Siguro sinasanay nila akong maging “patient”.

Hopefully next week may magagawa na akong matino. Kailangan ko pa mag-review ng past lessons! Hehehe…

7 styles ng pangangaroling

Posted in Daily Lives, Complaints on December 16th, 2006

Dito sa village namin, lapitin ng mga nangangaroling ang mga may Christmas lights sa labas ng bahay kaya minsan naiinis na ako at hindi ko na lang binubuksan. Yung iba naman, sige pa rin sa pangangaroling kahit sinigawan ko na ng “PATAWAD!”. Mas malakas pa kasi tahol ng aso namin kesa sa mga boses nila e. 4 years ago, nung ayus pa ang mini-radio namin, ni-record ko ang sarili ko na sumisigaw ng “Patawad!”. Tapos, inilabas ko yung radio sa may gate. Naka-’play’ na agad sya para pag ni-plug ko sya sa outlet via extension, magpe-play agad ng ‘Patawad!’ So everytime na may dadating, sinasaksak ko na lang sa outlet para hindi na ako sisigaw.

Eto yung top 7 styles ng pangangaroling sa’min:

7. Kumakanta with matching instrumento. (The usual)
6. Imbento ng sariling Christmas song: Boom Tarat Tarat ng Wowowee.
5. Tumutugtog lang ng instrumento at walang kanta (o sobrang hina ng kanta?)
4. Kanta lang. Acapella. Walang instrumento.
3. Magbibigay lang ng sobre na may “Merry Christmas”. Tapos aalis na. Babalik daw at a specified date and time.
2. Magbibigay ng sobre. Isa daw sila sa napakaraming organizations at kakanta on that very moment.
1. Sumisigaw na lang ng “Namamasko po!” na wala man lang effort na gumawa ng instrumento at kumanta.

Ewan ko ba kung bakit napaka-bitter ko na sa mga nangangaroling. Yung iba kasi ginagamit lang ang season para mag-solicit ng pera. Tapos yung mga bata naman, babalik balikan ka once na nagbigay ka. May mga bata naman na mararandaman mong sincere ang pangangaroling. Pero yung iba, feeling ko ipang-raragnarok lang nila yung nakolekta nila.

Tapos meron ding type na namamasko na dala pa yung mga anak nya. Parang namamalimos pero ‘namamasko’ daw sila.

Savouring the last few days of being unemployed

Posted in Work, About Me, Daily Lives on December 13th, 2006

Sabi sa isang text message na natanggap ko, there are 3 stages in life daw.

First stage: More time, more energy, no money.
Second stage: More money, no time, no energy.
Third stage: More time, more money, no energy.

I’m not sure about the second stage. Baka time lang ang wala but you still have the energy. Depende naman yun sa tao di ba?

Right now, I’m on the brink of stage 1. Nilalasap ko na ang bawat moment. January 8 next year, start na ako sa isang outsourcing IT company. Kaya ngayon, nagpapakasaya na ako. Kahit walang pera. Ngayon, nagwawalis na ako ng kalat sa labas. Naglalaba na ako ng mga damit namin. Masayang-masaya na ako ngayon na naghuhugas ng pinggan tuwing gabi kahit sawang-sawa na ako. Kasi pag nagtrabaho na ako, hindi ko na magagawa yun e. Hindi na rin ako makakanood ng mga movies sa cable/vcds/dvds. Once na nagstart na ako, ang gagawin ko na lang, gising, ligo, kain, byahe, trabaho, kain, byahe, kain, tulog. Tapos na ang maliligayang araw ko. Parang gusto ko uli maging student. Kasi pag studyante ka, papasok ka lang talaga sa school, may baon ka na…at parang may future ka pa. Pero pag nagwork na ako, feeling ko hindi pa sure ang future ko e. Bahala na.
Marami pa sana akong balak ngayon isang buwan na lang ang bakasyon ko. Gusto ko pang mag self study sa Flash, CSS, PHP, Photoshop, Java (uli) atbp para naman hindi ako mukhang aanga-anga pag pasok ko sa trabaho. Kaso, iniisip ko, parang ang killjoy naman kasi may 6 months training naman ako before mag start talaga. Kaya iba na lang priority ko…maglinis ng kalat sa PC, mag back-up ng files, magbigay ng testimonials sa Friendster, ayusin ang wikisite ng high school batch namin, makipag-bonding sa tatay ko na babalik sa Saudi sa January 2 atbp. Kung makakapag-bakasyon lang ako, mas maganda sana. Pera nga lang ang wala. Well, totoong-totoo yung natanggap kong text.