Annoying Female Local Celebrities
Posted in Television, Entertainment, Complaints on November 8th, 2007Marami akong local celebrities na kinaasaran. Pero pansin ko, base na rin sa list ko, pinaka-kinaaasaran ko yung mga nagfi-feeling inosente at virgin pero in real life, either maarte or malandi pala. I grew up in a conservative environment kaya pagpasensyahan nyo ako kung talagang hindi ako ganun ka liberal. Kasama din sa list na ‘to yung mga annoying lang talaga pero not necessarily malandi. Binuo ko ang list na to kasama ang mga kapatid kong babae kasi kaya lang din ako naasar sa mga to, kasi asar din sila. So ito yung mga local female celebrities na kahit maganda man or sexy, nakakaasar pa rin panoorin.
(not in particular order)
1. Valerie Concepion: Yung mga suot nya lagi sa Wowowee (yes, minsan napapanood ko yun, nakakahiya mang aminin), parang hindi pang nanay. Lagi labas cleavage. Akala mo inosente pa, pero wala pang disye-otso, nabuntis na.
2. Angelica Panganiban: Feeling sexy at maganda. Talagang pinagmamalaki pa nya yung FHM Cover Mag nya eh halata namang Photoshop. Buti pa yung iba, humble.
3. Kristine Hermosa: Inosente ang image pero in real life, napaka-arte pala. Malandi pa. Nakakainis pa yung mga papiyok-piyok nya kapag umiiyak or kinikilig. Bitch.
4. Aiko Melendez: Hindi mabubuhay ng walang lalaki. Period.
5. Katrina Halili: I just hate how she speaks (during interviews etc). Parang kanto girl.
6. Cheryl Cossim: Buti na lang wala na sya sa mga morning shows. Isang dakilang manhater to e. Kapag may mga balita tungkol sa mga babaeng naaabuso, lagi syang bumabanat ng “Eh kasi ang mga kalalakihan…hindi marunong blah blah…”. Pero bigla ko na lang mababalitaan one day na nagkaroon pala sya ng short relationship with Willie Revillame? Tsk tsk.
7. Toni Gonzaga: I know more people hate Mariel Rodriguez than Toni. Pero mula nung naghohost na si Toni ng PBB, nakaka-annoy talaga yung itsura nya. Laki ng boses. Parang nagmumula sa panga nya talaga at hindi sa vocal chords e. Tapos nababanlag pa. Minsan, pag dere-deretso sya nagsasalita ng walang hingahan, para syang manok na pumuputak-putak. Nakakairita lang. Parang gusto kong punuin ng tissue yung bibig nya para matigil yung bibig nya. Medyo natuwa nga ako nung naaksidente sya sa bibig e. Sabi ko “at least, hindi na sya makakapagsalita ng mabilis”…..Sama ko noh? Pero honestly, okay naman sya. Basta meron lang syang ayaw ko talaga.
9. Bea Alonzo: Wala lang. Naiinis lang ako pag nakikita syang naka sleeveless. Mula kasi nung pumayat yung braso nya, lagi na syang naka sleeveless eh…ahahaha.
10. Anne Curtis: No need to explain.
11. Wendy Valdez of PBB Fame: No need to explain too..
Honorable Mention:
Vanessa Hudgens: Her photo scandal. Nag-iba tuloy ang tingin ko sa kanya. Sweet pa naman itsura nya. Tsk tsk.
Parang may nakalimutan pa ako…idagdag ko na lang later…
Stardust Movie Review
Posted in Movies on October 15th, 2007I saw Stardust last week and I have to say that it’s the most entertaining movie that I’ve seen so far this year (followed by Ratatouille). It’s even better than all the summer blockbusters combined. I just know that it is based from Neil Gaiman’s work but I have no idea what it is all about. But when I finally saw it, I immediately rrecommended it to my sisters and watched it again with them.
The technical aspects of the film are also great. I really like the camera work, the swooping shots (eg. from The Wall to Stronghold) and the-feeling-that-you-are-there-shots that are best experience on the big screen. The special effects are not that magnificient but it’s enough to tell the story.
The great thing about this movie is that it is something fresh from the fantasy genre. It’s not at all that serious. It’s a bit unconvential and yet charming. There’s no complex background story, no good vs. evil war and no sequels. It’s a light movie, one of those movies na nakakalimot talaga ng problema sa buhay. It’s pacing is fast, the plot is easy to follow but also unpredictable. This is a really good movie but I wonder why it flopped in the U.S. box-office. My best guess is the poor marketing. They are selling the actors and not the story.
Speaking of actors, the movie is well-casted except for Claire Danes who, as she becomes older, also becomes uglier…not to mention that half of the Filipino people hate her because of his comment on Manila years ago. The rest of the cast is perfect and Robert De Niro’s Captain Shakespeare is the one character to watch out for. He delivers one of the hilarious moment in the film.
As a fan of film music, I know a good film score when I hear one. The music from Ilan Eshkeri, a composer I haven’t heard before, is a pleasant surprise. I immediately grab a copy of the soundtrack and immensely enjoyed it. It’s a good listenng experience and shares three common themes from LOTR. The Stardust OST is a decent score while I wait for the release of Return of the King: Complete Recordings (November). Hehehe…
I seldom endorse a movie to my sisters to the point na ililibre ko sila para lang mapanood nila sa big screen ang movie. Stardust is one of them.
Of Recent Pinoy Films
Posted in Movies on September 9th, 2007Hanggang ngayun nasusuka pa rin ako sa mga Filipino films. I appreciate some of them pero yung karamihan talaga puro patapon lang at halatang ginagawa lang just to make money. I’m sure independent films are much better pero hindi ako nagkakaron ng chance makanood kahit isa man lang.
Tapos wala ng ibanh genre kundi romantic movies featuring the popular love teams na kahit ilang beses mang pagtambalin ay hindi pa rin nagsasawa ang mga tao. Ang nakakainis pa, lahat ng mga title ng movie ay galing sa kanta or yung title mismo ng soundtrack. Galing…napaka-creative! Sobra. At least assured sila na pag kumita ang movie, kikita din ang soundtrack. Ni hindi nga original yung mga songs e..puro naman revival naman.
Forevermore, Got 2 Believe, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, Kung Ako Na Lang Sana, Till There Was You, All My Life, Can This Be Love, Don’t Give Up on Us, Close to You, All About Love, You Are the One,First Day High, You Got Me, I Will Always Love You, Paano Kita Iibigin, Moments of Love, Till I Met You, I’ve Fallen for You atbp. (Buti naman natapos na ang lugar series: Milan, Dubai)
Just recently, isang love story ang ipinalabas sa sine starring Aga Muhlach and Maricel Soriano. Ang title nya, parang hindi na nag-attempt mag-isip ang mga filmmakers. Nung nakita ko yung trailer sa TV, akala ko nag na narrate pa rin yung voice over, yun pala sinabi na nya yung title.
At kung hindi naman romantic movie, horror naman. Halata namang gaya lang sa mga Japanese movie e. Sa totoo lang, manhid na ako sa mga horror films. Kabisado ko na kung san ka gugulatin. I’m sure iba ang experience sa sine pero hindi ako magaaksaya ng pera para manood ng horror movie sa sine. Tatawanan ko lang ang mga nakikita kong cliches. Baka mag nitpick lang ako…Heheh…


Pansinin nyo din kung gaano ka creative ang mga poster ng mga Pinoy movies. Kapag horror, lahat ng mga mukha ng artista nakabalandra sa poster, kahit mga hindi kilalang artista. Tapos lahat ng name nila nandun din. Pag romantic film naman, laging magkayakap ang mag ka love team.
At pagdating naman sa trailer ng movie, para mo na ring nalaman ang buong storya na movie sa sobrang haba ng trailer. Minsan umaabot ng 5 minutes. First minute, iintroduce ang mga characters, then maiinlov sila, by the third minute, ipapakita yung conflict…4th minute, resolution at d2 rin ipinapamalas yung mga iyakan part at sa last part naman sasabihin yung mga pangalan ng artista.
Hanggang kumikita ang mga ganitong movie, hindi sila magrereformulate. Sana mag try naman sila ng something new.
“Hehe” - The Magic Word
Posted in Daily Lives on August 23rd, 2007Dati, simpleng pa-cute effect lang sa text at chats ang “hehe”. Minsan, ginagamit ko yan para humaba yung sentence pag feeling ko bitin. At ngayun, ang “hehe” can also mean “no comment”. Madalas ko mapansin yan sa mga chat lalo na pag naka YM mo bigla yung mga classmate mo nung elementary. Pag medyo awkward na ang usapan, mag-he-”hehe” ka na lang. Pag hindi ka makarelate sa sinasabi nya or wala ka lang talagang comment sa last statement nya…isang sagot lang…”hehe..”
Pero sa mga nakaka-chat ko, parang understood na yun e. Pag nag-”hehe” ka na, usually, end na yun ng conversation unless nag open-up ka (or sya) ng bagong topic. Kaya minsan, nasasawa na ako mag-”hehe”…”haha” naman para kunyari natatawa ka kahit hindi.
Wala lang. May times kasi na naiirita na ako sa ”hehe” pero I still can’t live without that magic word. Hehe…(’ta mo!)
At least nga ginagamit lang sa text or chat yun e. Imaginin mo na lang kung sa actual conversation yung ginagamit. Parang weird…
PLDT Broadband
Posted in Technology on August 19th, 2007Many people are actually complaining about PLDT’s “crappy” Broadband Services on their blogs. Konti lang yata ang nagpe-praise about the service. Well, recently, nagpa-broadband na rin kami and so far, wala pa naman akong angal. Download speed can reach up to 120 kbps depending on the site kaya wala na akong pake kung san ako mapuntang site. I felt more freedom on web surfing than ever before. Kaya ni-grab ko na yung opportunity na magdownload ng movies via bittorrent.
During those dialup days, ni hindi ko nga alam kung ano yung bittorrent e. At wala akong balak alamin kasi alam kong hindi naman ako magbe-benefit dun. Pero ngayun, yung mga movies na hindi ko mahagilap sa mga bangketa, nakikita ko sa bittorrent sites. Ang saya-saya naman.
Ngayon, mapapanood ko na after 10 long years, ang classic zombie cult film ni Peter Jackson na Braindead (or Dead Alive). I’ve been wanting to see it again ever since napanood ko yun sa birthday party ng classmate ko nung Grade 5. I considered it my favorite movie then. Pero ngayun, mapapanood ka na ulet. Yung lawnmower scene na lang talaga ang naaalala ko dun e.
Thanks to PLDT’s excellent service. Sana naman hindi ito ningas cogon na one month/two months lang mabilis. I guess depende na rin to sa location e. Nung nasa Munti pa kami, maximum speed ng dial up namin dun e…33.6 kbps lang. Pero nung lumipat kami sa Makati, umabot sya ng 45 kbps. Swertehna lang talaga siguro.
