Archive for the 'Television' Category

ANG DAMING KA-DRAMAHAN NG CHANNEL 2

Posted in Television, Uncategorized on April 8th, 2005
Daming pa-uso ng Channel 2! Magtirik daw ng kandila sa labas ng bahay para sa Santo Papa! Anu nanamang drama ito? Ginawa na nila ‘to dati kay Angelo dela Cruz di ba? Bakit kelangan pa nilang diktahan ang mga tao na magtirik ng kandila? KUng gusto ng tao mag lagay ng kandila, edi maglagay! Tapos kapag nag-ikot-ikot sila sa Metro Manila at nakitang maraming nagtirik ng kandila, I’m sure they’ll gladly report it to TV Patrol and they’ll claim that sila ang naging key para mag-unite ang mga Catholics in the Philippines! They’ll give credit to themselves! And then, they’ll conclude that maraming Kapamilya sa Pilipinas! They are trying to unite Filipinos but they can’t unite with their rival channel? It’s obvious na nagpapakitang tao lang mga mga to! All these long years, naloloko nila ang mga tao sa mga nonsense telenovelas nila. Occupying every families’ time to these shows. Kahit gusto na matulog ng nanay ko hindi siya makatulog dahil 10:00 pa yung inaabangan nya. And then the more important, the news programs, are pushed to 12:30 timeslot!


Oftentimes, they are glad to report na nasusugatan ang kanilang mga reporter habang ginagawa yung trabaho nila. They will say na binubuwis ng reporters ang kanilang buhay  para makapaghatid ng balita! Like Doland Castro…eek!



Dati may drama rin sila na magsabit ng bandila sa labas ng bahay….kahit hindi national flag week!

Kapag may disaster, like in Quezon, they are showing snippets of those events, parang music video tapos at may nagna-narrate pa. Parang: Sa ating pag-iisa, huwag nating kalimutan ang mga kababayan nating..blablah….(tapos pinapakita yung mga nawalang ng bahay etc) Pina-padrama pa nila…nakakaasar! Mukha hindi sincere! Pasikat lang. As if they care for the people but all they care is how to raise their ratings…Gusto nilang makilala na pinakakaisa nila ang mga Pinoy. Magkaisa muna kayo ng Channel 7 para maniwala ako…

PS: Labas si Pope sa usapan….

A DISAPPOINTING PILOT EPISODE (TV REVIEW)

Posted in Television on April 5th, 2005
After weeks of media hype, the highly anticipated new telefantasya arrives in television and judging from the pilot episode, I was disappointed…

I mean, todo-todo promote nila ng show na ‘to tapos yun lang? Nasan ang sinasabi nilang big budget and high production values? Logo lang ang pinaghirapan nilan gawin e….Let me list the things that I don’t like:

1. The Prologue: parang cheap na Star Wars. I can accept the fact na mababa pa ang quality ng special effects but this one was overdone.Parang ang gulo-gulo. Ang daming nalipad, tadtad ng sound effects kahit wala namang dapat lagyan ng sound. Tapos yung dialogue nila puro echo, napakahirap maintindihan. Ok sana yung echo (parang narration ni Galdriel sa LOTR) pero dapat naman audible ang sound! And then, everything looks artificial. Walang cinematography! Akala ko nga kalaban si Lorna Tolentino at Maureen Larazzabal. Panu ba naman, red ang kulay ng lahat! Para silang Ravena. Feeling ko nga parang nanood lang ako ng Mulawin e pero wala nga lang pakpak. Same director kasi gumawa ng Mulawin at Darna e. Ano pa asahan natin? Yung anaconda lang ang magandang effects e.

2. The Bridge scene: Walang kakwenta-kwenta. Ang cheap. Puro background lang (blue screens). Yung bridge lang at characters ang totoo. Bakit hindi sila mag shoot sa tunay na ilog? Yan ba ang big budget na sinasabi? And the whole scene is very pointless too. Walang tensyong naganap. Nakakatawa lang.

3. Pati yung aso animated!!! hahaha!!! Yung naglalakad si Celia Rodriguez dun sa bukid…..

4. Feeling ko puro sa bukid nanaman ang shooting nito. Kaya nga nagsawa mga kapatid ko sa Mulawin dahil puro ganun ang setting. Wala na bang iba?

Ah basta. feeling ko mas jologs pa ang mga susunod na episode. Pilot episode nga hindi nila naayos e. Yung succeeding episodes pa kaya? Mas gusto ko pa panoorin yung mga dialogue scene e. I just hope na sana mag-improve pa to. Si Angel Locsin lang naman ang hinihintay ko dito e. Katawan lang ni Angel ang asset ng show na to e…

PINOY SOAP OPERAS…

Posted in Television, Entertainment on March 31st, 2005
My mother is so addicted to this soap in ABS….Kahit naiinis na siya sa kwento at mga nangayayri sa “Hiram” pinapanood niya pa rin. Habang nag-re-rate kasi ang show, lalong pinapahaba (Mara Clara: umikot lang sa isang “diary” ang lahat). Kahit hindi kasama sa original plan, inilalagay para humaba ang show at tumagal ng 30 minutes ang bawat episodes (including commercials).
One day, nagmasid ako at nabuo ko ang list na ito…Eto yung mga LAGING nangyayari sa mga soap opera ng mga Pinoy…
1. Pag naghahalikan ang dalawang hindi dapat maghalikan, nahuhuli ng karibal.
2. Mother’s role: Payuhan ang anak tungkol sa pag-ibig (”Anak, sundin mo ang nilalaman ng iyong puso…”) —> Tulad nung “Sana’y Wala Nang Wakas”, lahat ng scene ni Cherry Pie Picache at Kristine Hermosa, nauuwi sa payuhan.
3. Involving love triangles: Para mapunta si lalake kay Girl A, kelangan mamatay si Girl B. Dapat may sakit na walang lunas si Girl B.
4. Laging nag-aaway sa harap ng hapag-kainan. Laging hindi natatapos ang pagkain kasi laging may character na nag-wo-walk-out. (Laging hotdog ang almusal)
5. Pag masama ang loob, mag-iinarte sa kwarto at i-ko-comfort ng friend o nanay. Minsan, magwawala pa at maghahagis ng flower vase at kung anu anu pang babasagin.
6. Pag namuhi sa isang tao, sinusunog ang picture at anumang bagay na makakapag-paalala sa taong ‘yon.
7. Amnesia….
8. Akala patay na, ayun pala buhay pa, pero may amnesia nga lang.
9. Pag nag-iba ng name ang character ng isang may amnesia, hindi makikilala na mga dati niyang close friends…Laging “magkamukha” lang.
10. Pag akala mo patay na ang kontrabida, there is always a way para mabuhay siya (para maghigante)
11. Laging kidnapan ang climax ng kwento…lagi sa warehouse dinadala ang victim
12. Pag nakatanggap ng bad news sa phone, bago ibaba ang phone, tititigan pa ang mouthpiece at mag-iinarte.
13. Lahat ng mayaman, naka-make-up at nakapang-alis kahit nasa bahay.
14. Laging mayaman at mahirap ang involved.
15. Laging tungkol sa nawawalang anak, nanay. Anak sa labas, ampon, kabit at ex-wife…
16. Pag nalaman ng character na ampon lang siya, magwawala ant kamumuhian ang nanay (”Pinagmukha niyo akong tanga!”) —> buti nga inalagaan ka e.
17. Kapag ikakasal ang isang couple, sikat man o hindi, laging nakikita ng kontrabida ang announcement sa newspaper.

Keep the list growing!
(post your entries on the comments page)

 

GAME KA NA BA?

Posted in Television, Entertainment on March 28th, 2005
One of my favorite shows. I admit it. Kapuso ako pero mas gusto kong manood ng Game Ka Na Ba kaysa sa Eat Bulaga. Minsan nga parang gusto kong maging studio contestant e. Kaso mahirap talaga yung ibang tanong lalo sa First Round ng Elimination. Swertehan lang. Malas mo pag di mo talaga alam yung sagot. Minsan napasimple ng tanong. Common sense lang kailangan. Read more »

TV COMMERCIAL MISTAKEs

Posted in Television, Entertainment on June 24th, 2004
Close-up’s “Cool! Sweet!” Commercial:


Notice the guitar at the back of the car….nag-iiba ng itsura habang umaandar ang car.

Rejoice “Nagulat kayo no?” Commercial:


Look at the girl na kamukha ni Sandara. Nung nakatalikod siya, meron siyang earphone. But when her two friends arrive, pag-harap niya, bigla na lang nawala (hindi basta natanggal o nahugot sa tenga niya.)

Â