Archive for the 'Television' Category

Annoying Female Local Celebrities

Posted in Television, Entertainment, Complaints on November 8th, 2007

Marami akong local celebrities na kinaasaran. Pero pansin ko, base na rin sa list ko, pinaka-kinaaasaran ko yung mga nagfi-feeling inosente at virgin pero in real life, either maarte or malandi pala. I grew up in a conservative environment kaya pagpasensyahan nyo ako kung talagang hindi ako ganun ka liberal. Kasama din sa list na ‘to yung mga annoying lang talaga pero not necessarily malandi. Binuo ko ang list na to kasama ang mga kapatid kong babae kasi kaya lang din ako naasar sa mga to, kasi asar din sila. So ito yung mga local female celebrities na kahit maganda man or sexy, nakakaasar pa rin panoorin.

(not in particular order)

1. Valerie Concepion: Yung mga suot nya lagi sa Wowowee (yes, minsan napapanood ko yun, nakakahiya mang aminin), parang hindi pang nanay. Lagi labas cleavage. Akala mo inosente pa, pero wala pang disye-otso, nabuntis na.

2. Angelica Panganiban: Feeling sexy at maganda. Talagang pinagmamalaki pa nya yung FHM Cover Mag nya eh halata namang Photoshop. Buti pa yung iba, humble.

3. Kristine Hermosa: Inosente ang image pero in real life, napaka-arte pala. Malandi pa. Nakakainis pa yung mga papiyok-piyok nya kapag umiiyak or kinikilig. Bitch.

4. Aiko Melendez: Hindi mabubuhay ng walang lalaki. Period.

5. Katrina Halili: I just hate how she speaks (during interviews etc). Parang kanto girl.

6. Cheryl Cossim: Buti na lang wala na sya sa mga morning shows. Isang dakilang manhater to e. Kapag may mga balita tungkol sa mga babaeng naaabuso, lagi syang bumabanat ng “Eh kasi ang mga kalalakihan…hindi marunong blah blah…”. Pero bigla ko na lang mababalitaan one day na nagkaroon pala sya ng short relationship with Willie Revillame? Tsk tsk.

7. Toni Gonzaga: I know more people hate Mariel Rodriguez than Toni. Pero mula nung naghohost na si Toni ng PBB, nakaka-annoy talaga yung itsura nya. Laki ng boses. Parang nagmumula sa panga nya talaga at hindi sa vocal chords e. Tapos nababanlag pa. Minsan, pag dere-deretso sya nagsasalita ng walang hingahan, para syang manok na pumuputak-putak. Nakakairita lang. Parang gusto kong punuin ng tissue yung bibig nya para matigil yung bibig nya. Medyo natuwa nga ako nung naaksidente sya sa bibig e. Sabi ko “at least, hindi na sya makakapagsalita ng mabilis”…..Sama ko noh? Pero honestly, okay naman sya. Basta meron lang syang ayaw ko talaga.

9. Bea Alonzo: Wala lang. Naiinis lang ako pag nakikita syang naka sleeveless. Mula kasi nung pumayat yung braso nya, lagi na syang naka sleeveless eh…ahahaha.

10. Anne Curtis: No need to explain.

11. Wendy Valdez of PBB Fame: No need to explain too..

Honorable Mention:
Vanessa Hudgens: Her photo scandal. Nag-iba tuloy ang tingin ko sa kanya. Sweet pa naman itsura nya. Tsk tsk.

Parang may nakalimutan pa ako…idagdag ko na lang later…

Advertising Techniques

Posted in Television, Entertainment, Complaints on June 4th, 2006

Dati, I made a post about shampoo commercials. Kasi ba naman, parang 40% ng airtime napupunta sa shampoo commercials. Parang puro buhok na lang inaatupag ng mga babae.

Yung Rexona parang responsibility na nila na magkaroon ng theme song every first day of school. Dati, yung First Dat Funk ng Parokya ni Edgar at ngayon naman yung First Day High ng Kamikazee. Tuwing nakikita ng kapatid ko yung commercial na yun lalo na yung lyrics na “Nasasabik sa unang araw ng eskwela,” lalo lang sya naasar dahil naaalala lang nya lalo na malapit na syang pumasok sa school. Hence, isang school year na naman ng kalbaryo. Sa totoo lang, ang nasasabik lang pumasok ay yung mga estudyante na pumapasok lang para either pumorma, magka-allowance, makita ang crush, maglaro ng DOTA atbp. Read more »

MANALO-MATALO

Posted in Events, Television on January 19th, 2006
Naiinis na ako sa overhyping ng ABS-CBN sa laban ni Paquiao at Morales. Masyadong OA na. Puro na lang lagi si Pacquiao as if naman na sure na sura ang lahat ng Pilipino na mananalo sya. Overconfident nanaman sila e. Di ba yun nga yung dahilan kung bakit natalo sya dati? Tapus ngayun ganun na naman. 

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o hindi dun sa kanta nyang “Para Sa’Yo ” e. Assurance lang yata yun na kapag natalo sya, at least recording artist na sya agad.

Basta para sa akin, pag nanalo sya, edi masaya! Pag natalo sya, edi mas masaya! At least, matauhan sila na hindi panalo lagi. Hindi naman sa pessimistic ako pero wag kasi tayong masyadong overconfident kay Manny. Kasi pag natalo sya, mas masakit and I’m sure ang sasabihin na naman ng mga Pinoy na nadaya si Pacquiao.

Bahala na. Let’s just hope for the best this coming Sunday….

 

ACHIEVE INSTANT FAME

Posted in Television, Entertainment on January 9th, 2006
Halina’t sumali sa “Kwarta Mo, Napulot Ko!” para magkaroon ng tsansa manalo ng maraming premyo at instant celebrity status. 

Lahat ng 10 years old below (mas bata, mas malaki ang chance manalo) at hindi gaanong maykaya ay inaanyayahang sumali.

Upang makasali, mangyari lamang na pumulot ng pera ng nagkakahalaga ng P100,000 pataas at dumulog sa tanggapan ng GMA7 o ABSCBN upang hanapin ang may-ari. Kapag pinalad, maaring manalo ng medal at isang handshake mula sa Pangulo, tropeo mula kay Mayor, scholarhip mula sa STI, sangkatutak ng TV exposure, special passes to Wowowee at Eat Bulaga at trip to major network studios. Maaari din kayong magkaroon ng future acting and singing career at chance na makita ang iyong mga paboritong artista!*

Dali! Gawing kasabwat ang iyong kapitbahay at mas maging sikat kaysa sa mga StarStruck survivors at mga housemates. Siguradong mapapadali ang inyong pangarap maging artista!

Promo ends January 31, 2006. Per DTI NCR Permit no. 98465. Series of 2006
* No cash prizes will be given to the winner.

 

AMERICAN HUMOR

Posted in Television, Entertainment on January 8th, 2006
Hindi ako masyadong nanonood ng mga American comedy shows sa cable. Yung mga Friends, Will & Grace, Saturday Night Live etc. Isa sa mga reason ay yung wala akong time manood ng mga shows na’to lalo na’t dito sa bahay, marami akong kalaban sa TV lalo na sa gabi. Nakakapaglipat lang ako ng channel kapag commercial na kaya dito sa bahay, kilala ako bilang master ‘tagapindot’ ng remote control. At isa pa, bihira lang ako matawa sa mga jokes at punch lines nila.
Read more »

BEST AND WORST OF 2005

Posted in Music, About Me, Television, Technology, Movies on December 31st, 2005
Before the year ends, I’m going to list these things first. Next entry na yung New Year’s Resolution. I’m sure may nakalimutan ako. So eto na yung partial list.


THE BEST (Halo-halo na’to!)
*not in particular order

Mapua Short Film Festival:
A time to showcase my talent in filmmaking. Kung meron man. Hopefully nag 2nd Best Short Film ang film namin.LOTR Extended Edition DVDs: Actually December 29, 2004 ko ‘to nabili pero syempre napagsawaan ko siya in the first quarter of 2005. Hanggang ngayun di ko pa nasisimut lahat ng commentaries of all 3 movies!

Blogging: This year, ginanahan talaga ako magblog kesa sa previous year. Almost everyday nung bandang summer. Si Ava kasi e. Naka almost 120 entries ako this year.

Da Vinci Code: I’m not really a novel reader pero masaya ako dahil nabasa ko na din sya sa wakas at nalaman ko kung bakit ba’to controversial. I started reading Angels and Demons pero kinuha agad ng may-ari yung book kaya di ko pa natatapos.

Summer Vacation: After 10 years, nakauwi uli ako sa Bicol. Ang saya saya. Read more »