Archive for the 'School' Category

BAD TRIP SA SCHOOL

Posted in School on May 20th, 2005
WHAAAHHHH! Ako na yata ang pinakabobong estudyante sa Automata Theory! Bagsak nanaman ako sa Long Quiz. Pangalawa na to…Two more quizzes pa..pag binagsak ko pa yun…papakamatay na ako… 

Gaano ba ako kabagsak? 150 pts kasi lahat. Kahit 100 pts lang yun, bagsak pa rin ako..Huhuhu…how tragic. 2 lang yata pumasa. Halos lahat bagsak. Pero depressed pa rin ako kasi 57 lang ako! Inaasar nga ako ng mga barkada ko e. Ipinagdadasal nila na bumagsak ako sa subject para makaranas ako ng bagsak.

Feeling ko nga pag nakikita ako ng prof ko sinasabi niya sa sarili niya…”Eto nanaman yung napakabobo kong estudyante sa Automata”….nakakahiya tlaga…

Sa mga ganitong pagkakataon, we students always blame the teacher for that poor exam results…Pero in fact, sino ba dapat i-blame? Edi ang sarili…

 

FEELING BAD ABOUT A JAVA PROGRAM

Posted in School on May 5th, 2005
Na-depress talaga ako nung Tuesday dahil simpleng program lang hindi ko nagawang mabuti. Mali yung output. Sino bang hindi magagalit kung lahat na ng classmate mo tapos na at nag-uwian na at ikaw na lang ang hind pa tapos. Feeling ko, ang bobo-bobo ko talaga. Ewan ko kung bakit. Wala talaga yata ako sa mood. Nakakapressure pa kasi halos ikaw na lang natitira sa lab. Parang stressed-out na ewan.

Kasi naman, Thursday pa talaga klase ko sa Java. Nagpaalam lang ako sa prof na aatend ako ng Tuesday kasi nga pupunta kami ng Bicol. Wala pa yata sa kondisyon utak ko. Parang walang silbi tuloy ang pagpasok ko nung araw na yun. Tama naman logic ko….WAAHHH! Kaya ko ng gawin yan next time! Babawi ako!

 

FIRST DAY OF CLASS…

Posted in School on April 19th, 2005
Out of 4 times na sasakay ako sa jeep, isang beses lang ako nakasakay…and then, naglakad pa ako ng 5 kilometro para makarating sa school! Kahit makasakay ako ng FX, aabutin pa rin ako ng 1 oras dahil sa sobrang traffic! When I got to school, nalaman ko na ganun din pala kapalaran ng iba…

Okay…buti na lang mababait (so far) ang mga prof ko. Puro nga babae ngayon e. At yung dalawa, ka-apelyido pa ng mga teachers ko sa high-school….Rodriguez and Espiritu. Buti na lang yung last prof ko De Leon apelyido…na-break niya ang sumpa.

At may assignment agad kami!! This time, handwritten na dapat…Sayang, wala ng silbi ang?copy-paste at ctrl-c and ctrl-v sa buhay ko..

 

MALAPIT NA PASUKAN!

Posted in About Me, School on April 17th, 2005
Out of 12 Quarterms, papasok na ako sa pang 8th Quarter ko dito sa Mapua. Sa Lunes na (April 18)! Halos isang taon na lang, tapos na ako ng ComSci. As you may? notice, “End of All Things” ang featured music sa gilid. It’s taken from the scene where Frodo and Gollum are fighting over the Ring on the slopes of Mt. Doom. Bakit nakakatakot? Bakit parang end of the world ang tunog? Read more »

APRIL FOOLS DAY

Posted in Events, Daily Lives, School on April 1st, 2005


 

 

I made several pranks today…hehehe. All of them through IM….sayang hindi ko na-save yung actual na dialogue…. Read more »

3rd Quarterm ends

Posted in Events, About Me, Daily Lives, School, Complaints on March 24th, 2005


Hehe…pano ba naman ako hindi makakuha ng ganyang grade eh lagi kaming walang pasok! Boycott lagi dahil sa walang katapusang rally tungkol sa Malayan University na yan!
YEAR 2, 4TH QUARTER starts April 18!
 

 

 

Â