Archive for the 'School' Category

Transition Phase

Posted in Work, About Me, School on February 9th, 2007

It’s been a week since the graduation ceremonies. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakatapos na ako ng college. Akala ko noon, day after ng graduation, tutunganga lang ako na parang “Now what?” pero fortunately may trabaho na agad ako.

Speaking of work, under ako ng one month training sa GT Tower about C#.NET. Buti na lang may training kasi ayokong isasabak agad ako sa trabaho ng ganun ganun na lang. At magkakaroon ako ng chance na maka-vibes ang mga  makakasama ko sa trabaho. Medyo nakakapag-adjust na rin ako kahit papaano. Hindi ko pa nailalabas ang character ko sa kanila. Usually kasi, tahimik lang talaga ako hanggang walang kumakausap sa akin. Unti-unti lang ako dumadaldal habang tumatagal. Pero hindi ko pa naa-unleash yung character ko na alam ng mga high-school at college friends ko. Hahah… That’s why I’m sticking with my “Gollum” avatar not because of being an LOTR fanatic but because it symbolizes my dual personality. (One good, the other evil?). Not to mention na Gemini ang zodiac sign ko….twins.

Mahirap sabihin kung sino-sino sa mga ka-officemates mo ang ka-edad mo. Akala ko nung first day, pare-pareho kaming newly-graduates. Magugulat ka na lang na 25-30 something na sila at yung iba may pamilya na pala. Hindi halata sa mukha. At dahil first name basis ang tawagan sa’min, minsan lang ako mag ‘ate’ at ‘kuya’ lalo na sa akala kong ka-edaran ko lang nung una, yun pala 5 years ahead sa akin.

Meron naman akong co-trainee na ka-edad na yata ng nanay ko. Mga 50+ na yata pero hangang-hanga ako kasi willing pa rin sya matuto ng bagong language. That only proves that nobody stops learning.

Ma-mi-miss ko ang school. Yung pagbabayad ng P6 sa jeep. Mga college friends. Mga professors. Pero hindi ko mami-miss ang paggising ng maaga, paghahabol ng deadlines, sleepless nights at stress kasi alam kong ganito pa rin ang buhay ko even after I finish school…

Graduation ka [sana] ngayon…

Posted in Events, About Me, School on November 29th, 2006

November 29. The day I was looking forward to before the series of unfortunate events happened. Siguro by this very moment, tinatawag na sana ang name ko sa PICC. Pero hindi e. Eto ako. Nagdadrama sa bahay. Iniimagine ko na lang na sana nandun ako. And to think na nagmamartsa ngayon ang ilang undeserving graduates*? Lalong nakakaasar. Dapat nga matutulog na lang ako o kaya manonood ng Happy Feet kaya lang wala akong pera kaya nag sound trip na lang ako. Pinatugtog ko yung graduation march! Hehe…
At sino ba ang hindi maasar pag eto pa ang dadatnan mo sa YM?

Okay sana tong classmate kong ito e. Alam ko naman deserve nya grumadweyt. Pero i-broadcast daw ba? Tapos pag tingin ko sa avatar nya, naka dirty finger pa? Nakakaasar na nga, nangasar pa. Sino ba ang ineexpect nyang makakabasa nyan? E lahat ng graduates nasa PICC ngayun? Nangaasar ba yan talaga or sobrang proud lang? Sinayang lang nya kuryente sa bahay nila kung iiwan nya lang ang PC nya habang gumradwyet lang sya saglit.

Hay…congratulations na lang sa kanila. Pasalamat sila wala pa si bagyong Reming para i-ruin ang araw na ‘to (katulad na pagru-ruin ni Milenyo sa thesis at graduation ko…). Ga-graduate din ako. Makikita nyo…hehe…

============================
* Yung mga grumadweyt na undeserving:

  • nagpagawa ng thesis
  • gumawa ng thesis 2-3 weeks before submission
  • may kagrupong masipag at magaling

The rest of the year is going to be sad…

Posted in Daily Lives, School on October 12th, 2006

Wow. Almost 2 months after my last post. And for that two months, I spend the rest of my life, giving my 100%, sitting in front of my PC almost 20hrs a day just to finish our thesis. I took a break from blogging and everything that I enjoyed just for this …. thing. And now, those efforts are worthless. All that because of that freaking storm, those panelists and the school registrar.

Here’s the summary…
Read more »

“Thesis-Mode”

Posted in School on August 26th, 2006

=========================
====== DO NOT DISTURB ======
=========================

Why?!? WHY?

Posted in Daily Lives, School on August 5th, 2006

Bakit kung kelan ko minamadaling tapusin ang thesis tsaka pa lumiyab ang monitor namin? Whaa!! Nakakafrustrate. Ayus nga yung CPU, wala naman ako monitor! Kating-kati na akong gumawa ng thesis! Baket? Baket ngayon pa?

SERVER BUSY

Posted in About Me, Daily Lives, School on April 27th, 2006
Haay…Sobrang busy ako ngayon. Ganito ang pseudocode ng daily routine ko:————————————————————

Date = Now

While (Date <> May 20)

If ((Time >= 5:00 AM) And (Time <= 7:30 PM)) Then

Wake Up
Tumae
Kain
Alis

Byahe

OJT sa Accennture

Byahe

Else

Computer: check email etc
Do thesis work
Dinner
Sleep

End if

Date = Date + 1

End While

————————————————————

Nakakapagod. Kailangan mag-Clusivol. Bawal magkasakit. Pasensya na sa mga blog na hindi ko na mabisita… Bawi na lang nxt time. Siguro next post ko, movie review na ng Da Vinci Code…unless matuloy nga yung petition na ma-i-ban. Baka magprotesta ako. Basta pag ginanahan lang ako magblog at kung may time…yun lang yun…hehe.