Archive for the 'Events' Category

Graduation ka [sana] ngayon…

Posted in Events, About Me, School on November 29th, 2006

November 29. The day I was looking forward to before the series of unfortunate events happened. Siguro by this very moment, tinatawag na sana ang name ko sa PICC. Pero hindi e. Eto ako. Nagdadrama sa bahay. Iniimagine ko na lang na sana nandun ako. And to think na nagmamartsa ngayon ang ilang undeserving graduates*? Lalong nakakaasar. Dapat nga matutulog na lang ako o kaya manonood ng Happy Feet kaya lang wala akong pera kaya nag sound trip na lang ako. Pinatugtog ko yung graduation march! Hehe…
At sino ba ang hindi maasar pag eto pa ang dadatnan mo sa YM?

Okay sana tong classmate kong ito e. Alam ko naman deserve nya grumadweyt. Pero i-broadcast daw ba? Tapos pag tingin ko sa avatar nya, naka dirty finger pa? Nakakaasar na nga, nangasar pa. Sino ba ang ineexpect nyang makakabasa nyan? E lahat ng graduates nasa PICC ngayun? Nangaasar ba yan talaga or sobrang proud lang? Sinayang lang nya kuryente sa bahay nila kung iiwan nya lang ang PC nya habang gumradwyet lang sya saglit.

Hay…congratulations na lang sa kanila. Pasalamat sila wala pa si bagyong Reming para i-ruin ang araw na ‘to (katulad na pagru-ruin ni Milenyo sa thesis at graduation ko…). Ga-graduate din ako. Makikita nyo…hehe…

============================
* Yung mga grumadweyt na undeserving:

  • nagpagawa ng thesis
  • gumawa ng thesis 2-3 weeks before submission
  • may kagrupong masipag at magaling

Sick

Posted in Events, About Me on July 13th, 2006

Last Friday, nag-overnight swimming kami sa may bandang San Mateo, Rizal. Sa totoo lang, iba ang paalam ko sa nanay ko. Sinabi ko na lang na may despedida party ang classmate kong magma-migrate sa Canada. Sigurado kasing hindi ako papayagan nun kapag nalaman nyang swimming ang pupuntahan ko e. Masyado kasing matatakutin ang nanay ko e. Graduating pa naman ako this year (hopefully). Madalas kasi nababalitaan sa TV yung mga graduating students na nalulunod sa mga swimming di ba? Dun naman sa case namin, pool lang naman yun. Ang tanga ko naman kung nalunod pa ako. Hindi naman beach yun para tangayin ako ng alon. Read more »

MANALO-MATALO

Posted in Events, Television on January 19th, 2006
Naiinis na ako sa overhyping ng ABS-CBN sa laban ni Paquiao at Morales. Masyadong OA na. Puro na lang lagi si Pacquiao as if naman na sure na sura ang lahat ng Pilipino na mananalo sya. Overconfident nanaman sila e. Di ba yun nga yung dahilan kung bakit natalo sya dati? Tapus ngayun ganun na naman. 

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o hindi dun sa kanta nyang “Para Sa’Yo ” e. Assurance lang yata yun na kapag natalo sya, at least recording artist na sya agad.

Basta para sa akin, pag nanalo sya, edi masaya! Pag natalo sya, edi mas masaya! At least, matauhan sila na hindi panalo lagi. Hindi naman sa pessimistic ako pero wag kasi tayong masyadong overconfident kay Manny. Kasi pag natalo sya, mas masakit and I’m sure ang sasabihin na naman ng mga Pinoy na nadaya si Pacquiao.

Bahala na. Let’s just hope for the best this coming Sunday….

 

WELCOME 2006!

Posted in Events on January 3rd, 2006
As we all know, January 1 is not only celebrated as “New Year’s Day” and the Feast of Mary’s Motherhood, it is also the World Air and Noise Pollution Day. Sa sobrang ingay ba naman ng first few minutes ng araw na’to, yung aso’t pusa namin nau-ulol na. At kami namang pamilya ng mga asthmatic, halos hindi na kami makahinga sa usok n mga paputok. Kawawa naman si Mother Earth. I would assume na January 1 ang pinakagrabeng air (and noise) pollution of the entire year. Buti na lang dumalaw si Chwis at Adrian dito sa bahay. Tig-iisang Red Horse lang naman tsaka konting kwentuhan (courtesy of Chris…hyeee..can afford na kasi…hehe…)What can I expect this year? Marami. Una, magbe-bente na ako. Whaaa!! Hindi na ako teenager!!! Pangalawa, ga-graduate na ako (hopefully) at kung papalarin, magkakatrabaho na ako. Kailangan nasa mindset ko na na next Christmas, marami akong pera at mareregaluhan ko yung inaanak ko. 6 months na lang…. Sana maka-graduate on time. Breakthrough year ito! Whoo! Major turning point in life, ika nga. Read more »

RANDOM BLAH BLAHs

Posted in About Me, Events, Daily Lives, Television, Technology, Entertainment, Complaints on November 12th, 2005
Hindi ko lang talaga ma-organize ang mga thoughts ko ngayun kaya ganito na lang uli:  

Kanina napa-usapan namin yung mga anime. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng mga teenagers ako lang yata ang walang hilig dun. Lalo yung mga anime ngayun. DragonBall at Ghost Fighter lang yata napanood ko e…tsaka yung mga Mojacko at Doraemon lang (anime ba ‘to?). Kasi panahon natin yung mga Sarah, Cedie, Julio at Julia, Tom Sawyer,Peter Pan, Mask Rider Black, Bioman, Voltes V, Takeshi Castle, Flying House tsaka yung cartoons na tungkol sa takore na may time machine. Eh ngayun, puro PC Games na uso. Pero di ko talaga trip yung mga anime ngayun like Naruto. I’m not even trying to watch it. Parang pare-parehas lang naman kasi. Tsaka parang feeling ko, napaka-immature ko naman kung tangkilikin ko pa yan. Parang pambata. Bumibili pa ng badge at nangongolekta ng mga CD ng anime. Well, kanya-kanyang trip lang yan kaya wala na akong pakialam sa iba. Kung masaya sila sa anime, ok lang, Wala naman akong magagawa e. Mabaliw na sila sa lahat wag lang sa Pinoy Big Brother (uy, first time ko yata binaggit ang show na ‘to sa blog ko a.)

Read more »

REMEMBERING 9/11

Posted in Events on September 11th, 2005
I can still clearly remember the night of September 11, 2001. I was in third year high school. I got home at 9:30PM (because I’m from a night school) and as usual, after eating dinner, I hurried in front of the T.V. and started scanning through all the channels. I came across MSNBC on ZoeTV Channel 11 (wala pa kaming cable no’n) and saw a factory with a giant chimney blowing huge black smokes. I skipped on that channel thinking that it was just another business news or news that’s something to do with environbmental issues. 

But later, I came back on the same channel and realized that it was actually New York City’s World Trade Center! I can’t believe on what I saw earlier. Maybe I was switching between channels too fast that I didn’t even realized that it was actually a building. At first, I don’t know what happened. Was it just an ordinary building on a fire? I don’t know the answer until I witnessed the second plane hitting the South Tower. If reality shows were popular in those days, that moment might be reality TV’s most horrifying footage of all time.

Read more »