Archive for the 'Entertainment' Category

Annoying Female Local Celebrities

Posted in Television, Entertainment, Complaints on November 8th, 2007

Marami akong local celebrities na kinaasaran. Pero pansin ko, base na rin sa list ko, pinaka-kinaaasaran ko yung mga nagfi-feeling inosente at virgin pero in real life, either maarte or malandi pala. I grew up in a conservative environment kaya pagpasensyahan nyo ako kung talagang hindi ako ganun ka liberal. Kasama din sa list na ‘to yung mga annoying lang talaga pero not necessarily malandi. Binuo ko ang list na to kasama ang mga kapatid kong babae kasi kaya lang din ako naasar sa mga to, kasi asar din sila. So ito yung mga local female celebrities na kahit maganda man or sexy, nakakaasar pa rin panoorin.

(not in particular order)

1. Valerie Concepion: Yung mga suot nya lagi sa Wowowee (yes, minsan napapanood ko yun, nakakahiya mang aminin), parang hindi pang nanay. Lagi labas cleavage. Akala mo inosente pa, pero wala pang disye-otso, nabuntis na.

2. Angelica Panganiban: Feeling sexy at maganda. Talagang pinagmamalaki pa nya yung FHM Cover Mag nya eh halata namang Photoshop. Buti pa yung iba, humble.

3. Kristine Hermosa: Inosente ang image pero in real life, napaka-arte pala. Malandi pa. Nakakainis pa yung mga papiyok-piyok nya kapag umiiyak or kinikilig. Bitch.

4. Aiko Melendez: Hindi mabubuhay ng walang lalaki. Period.

5. Katrina Halili: I just hate how she speaks (during interviews etc). Parang kanto girl.

6. Cheryl Cossim: Buti na lang wala na sya sa mga morning shows. Isang dakilang manhater to e. Kapag may mga balita tungkol sa mga babaeng naaabuso, lagi syang bumabanat ng “Eh kasi ang mga kalalakihan…hindi marunong blah blah…”. Pero bigla ko na lang mababalitaan one day na nagkaroon pala sya ng short relationship with Willie Revillame? Tsk tsk.

7. Toni Gonzaga: I know more people hate Mariel Rodriguez than Toni. Pero mula nung naghohost na si Toni ng PBB, nakaka-annoy talaga yung itsura nya. Laki ng boses. Parang nagmumula sa panga nya talaga at hindi sa vocal chords e. Tapos nababanlag pa. Minsan, pag dere-deretso sya nagsasalita ng walang hingahan, para syang manok na pumuputak-putak. Nakakairita lang. Parang gusto kong punuin ng tissue yung bibig nya para matigil yung bibig nya. Medyo natuwa nga ako nung naaksidente sya sa bibig e. Sabi ko “at least, hindi na sya makakapagsalita ng mabilis”…..Sama ko noh? Pero honestly, okay naman sya. Basta meron lang syang ayaw ko talaga.

9. Bea Alonzo: Wala lang. Naiinis lang ako pag nakikita syang naka sleeveless. Mula kasi nung pumayat yung braso nya, lagi na syang naka sleeveless eh…ahahaha.

10. Anne Curtis: No need to explain.

11. Wendy Valdez of PBB Fame: No need to explain too..

Honorable Mention:
Vanessa Hudgens: Her photo scandal. Nag-iba tuloy ang tingin ko sa kanya. Sweet pa naman itsura nya. Tsk tsk.

Parang may nakalimutan pa ako…idagdag ko na lang later…

Harry Potter and the Battle Between IMAX 3D and Regular Screens

Posted in Entertainment, Complaints, Movies on July 19th, 2007

They say that you can never forget your first IMAX experience so when I learned that Harry Potter and the Order of the Phoenix will be shown at IMAX 3D at SM Mall of Asia, I didn’t hesitate to reserve a ticket even it comes with a hefty price of Php400 each. The weekday mornings are cheaper by Php50.

So does IMAX theater at SM Mall of Asia really worth the price? I don’t think so. It’s overpriced. It should have been P250 or P300 only. They are bragging the so-called “IMAX experience” to sell more tickets. So what really is the “IMAX Experience”. Well, just upon entering the theater, you’ll be amazed on how big the screen is. But even before the movie starts, I was wondering how can I see the whole picture on that super large screen? Whenever there is a wide shot, you have to scan the screen from left to right (or up to down) to see what is happening. That is true during action sequences or even dialogue scenes where the each character is on the opposite side of the screen. Read more »

End Credits Phenomenon

Posted in Entertainment, Movies on July 1st, 2006

Naaasar ako kasi hindi ko pa napapanood ang Superman Returns. Wala kasi akong kasama, time at pera. So tatanga na lang ba ako? Bahala na. Maganda sanang time manood sa mismong araw ng laban ni Pacquiao at Larios kasi walang masyadong tao sa labas. Walang traffic. Walang ding jeep kasi nakatutok lahat sa TV. Hehehe..

Speaking of the fight…Parang masyadong kampante ang mga Pinoy na mananalo si Manny. May schedule na nga yung victory party para kay Pacman sa Channel 2 e. Parang may under-the-table agreement na dapat manalo si Pacquiao.

Anyway, hindi naman yun ang topic ko. Gusto ko lang i-verify sa inyo kung meron kayong nararamdamang kakaiba when watching the end credits of a film. Read more »

Advertising Techniques

Posted in Television, Entertainment, Complaints on June 4th, 2006

Dati, I made a post about shampoo commercials. Kasi ba naman, parang 40% ng airtime napupunta sa shampoo commercials. Parang puro buhok na lang inaatupag ng mga babae.

Yung Rexona parang responsibility na nila na magkaroon ng theme song every first day of school. Dati, yung First Dat Funk ng Parokya ni Edgar at ngayon naman yung First Day High ng Kamikazee. Tuwing nakikita ng kapatid ko yung commercial na yun lalo na yung lyrics na “Nasasabik sa unang araw ng eskwela,” lalo lang sya naasar dahil naaalala lang nya lalo na malapit na syang pumasok sa school. Hence, isang school year na naman ng kalbaryo. Sa totoo lang, ang nasasabik lang pumasok ay yung mga estudyante na pumapasok lang para either pumorma, magka-allowance, makita ang crush, maglaro ng DOTA atbp. Read more »

Bloopers from the suking tindahan etc.

Posted in Entertainment on June 1st, 2006

So far, eto pa lang ang naalala ko:

  • Pinabili namin yung kapatid ko ng food color na “egg yellow” para sa ginagawa naming leche flan. Binigay sa kanya ng tindera, isang itlog at isang yelo.
  • May entrance fee yung resort na pinuntahan namin sa Bicol ng P50 per head. Sampu kaming papasok. 50 x 10. Kinalculator pa nung babae yung amount bago sabihin sa amin kung magkano.
  • Nagpa-Smart E-Load yung kapatid ko worth P30. Binigyan sya ng 6 pieces ng “Pillows” worth 5 pesos each.
  • Read more »

    DISGUSTING STUFF

    Posted in Entertainment, Movies on March 31st, 2006
    Hindi ako ganun kabilis mandiri. Siguro dahil nakakadiri ako. Pero pag pinag-uusapan ang mga tae, suka, bulate, ipis, mga laman-loob, horrible deaths etc sa harap mismo ng pagkain or habang kumakain, wala akong pakialam. Bakit yung iba ina-avoid nila pagusapan yon habang kumakain? Kahit yung mga reporter nagpapasintabi pa sa mga kumakain bago mag-report. Basta ako hindi ako sensitive sa ganun. Kasi pag pinaguusapan yun, hindi ko naman iniisip yung actual na tae. Kung inisip mo, as in ivi-visualize mo in vivid details, talagang masusuka ka. Bakit mo nga naman kasi iisipin? Basta isipin mo lang na hindi tae yung pinag-uusapan, makaka-survive ka dun. Hehe. Read more »