Archive for the 'Daily Lives' Category

DECEMBER HIGHLIGHTS

Posted in About Me, Daily Lives, Entertainment on December 1st, 2005
I’m gonna be busy until next Tuesday! Sabay-sabay ba naman ang submission? Mababaliw na yata ako. But this quarterm is going to be exciting kasi dito ko malalaman kung may ibabagsak na akong subject for the first in my college life. (Yabang di ba?)

Movie of the month is King Kong! Medyo nalungkot nga ako because the hype is already in the United States. It’s almost two weeks na lang kasi before the release on December 14. Pero dahil sa pesteng Metro Manila film festival, I thought it will be moved to January, like Narnia.

At kani-kanina lang sa HBO, nalaman ko na December 14 na rin dito! Whoohhh!! Nabuhayan ako…Yeheyy…This movie is going to be huge!

Gorgeous



I downloaded a 50MB AVI file that features a 4-minute footage from the film. It’s awesome. The emotions are well-handled. The CGI is terrific. The level of details on Kong’s fur, the settings, Naomi Watts…everything is awesome.
I can’t wait!! (Di naman masyadong obvious di ba?)

My sister is going to the MTV Music Summit tonight. Sabi ko sa kanya, kukunan ko sya ng before and after pics ng music summit para ma-compare ang difference. The only reason she’s there is because of Mig Ayesa. Pag pinakita na sa MTV yung show, marerecognise nyo yung ate ko kasi may banner siya na “Hi Mig! I’m Rona! Mahal Kita!” written in three lines. Sana maayos pa ang pagiisip nya pag-uwi nya mamaya.

Christmas. Christmas. Christmas.
Everyone is making a wish list. Gagawa nga rin ako kahit wala naman talagang magbibigay sa akin. “Wish” lang naman e….

WHAT’S WITH THE “H”?

Posted in Daily Lives, Complaints on November 23rd, 2005
Bakit kaya yung kapatid ko, pilit pinapahaba pangalan nya. Yung simpleng “Lian”, ginagawa nyang “Lheeyanne”.
Ewan ko ba sa mga babae. Gustong-gusto nila na may “H” yung pangalan nila, tapos lalagyan pa ng extra “N” at “E” sa huli para humaba pa.
Read more »

RANDOM BLAH BLAHs

Posted in About Me, Events, Daily Lives, Television, Technology, Entertainment, Complaints on November 12th, 2005
Hindi ko lang talaga ma-organize ang mga thoughts ko ngayun kaya ganito na lang uli:  

Kanina napa-usapan namin yung mga anime. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng mga teenagers ako lang yata ang walang hilig dun. Lalo yung mga anime ngayun. DragonBall at Ghost Fighter lang yata napanood ko e…tsaka yung mga Mojacko at Doraemon lang (anime ba ‘to?). Kasi panahon natin yung mga Sarah, Cedie, Julio at Julia, Tom Sawyer,Peter Pan, Mask Rider Black, Bioman, Voltes V, Takeshi Castle, Flying House tsaka yung cartoons na tungkol sa takore na may time machine. Eh ngayun, puro PC Games na uso. Pero di ko talaga trip yung mga anime ngayun like Naruto. I’m not even trying to watch it. Parang pare-parehas lang naman kasi. Tsaka parang feeling ko, napaka-immature ko naman kung tangkilikin ko pa yan. Parang pambata. Bumibili pa ng badge at nangongolekta ng mga CD ng anime. Well, kanya-kanyang trip lang yan kaya wala na akong pakialam sa iba. Kung masaya sila sa anime, ok lang, Wala naman akong magagawa e. Mabaliw na sila sa lahat wag lang sa Pinoy Big Brother (uy, first time ko yata binaggit ang show na ‘to sa blog ko a.)

Read more »

LETTING THINGS GO

Posted in About Me, Daily Lives, Entertainment, Movies on November 9th, 2005
I’m planning to dump all my Lord of the Rings files in my hard drive. Not all, actually. Yung mga movies lang, the whole trilogy. It’s consuming 5.6GB. Sayang lang di ba? Di ko naman ginagalaw pero kuntento lang ako na nasa PC ko yun. Kaya lang naman nandito yung mga file na ‘to dahil may sentimental value na ito. Para rin tong kasing sentimental ng “Unang-love-letter-na-binigay-sa-akin” kind of thing.  

Syempre, alangan namang i-store ko to sa PC ko ng habambuhay, maybe it’s just time to erase those files. Meron naman akong DVDs, extended edition pa. Bibili muna ako ng 9 CDs para back-up para in case na gusto ko ibalik or biglang naging 120GB yung hard drive ko, pwede ko pa ibalik. I’ve already done this with LOTR trailers. Nagtira lang ako ng iba. Pero hindi ko pa rin buburahin sa PC yung libo-libo kung collection ng pictures, wallpapers, screenshots at soundtrack ng LOTR. Yung movies lang. It’s just a way of letting things go.

Read more »

“ANG BUHOK-BUHOK MO!”

Posted in About Me, Daily Lives, Complaints on November 6th, 2005
Yan ang laging sinasabi sa akin ng mga classmate ko pag wala silang ibang masabi sa akin…lalo na si Jong. Lagi kasi nilang napapansin yung mga balahibo ko sa arms. Ang dami kasi. Hindi naman actually makapal at kulot. Hindi naman ako namumukhang unggoy. Cute naman e. Hehe. Minsan nga binubunot nila e. Tapos pag may nakuha, mandidiri sila sa nakuha nila.

NGAYON KO LANG NALAMAN

Posted in About Me, Daily Lives, Entertainment on October 14th, 2005
Natutuwa ako sa bagong discovery ko ngayong araw na ‘to.
For several years, I’ve been wondering kung sino nagpapatay at nagsisindi ng mga street lights araw-araw. Akala ko dati, naka-assign yun sa mga designated na bahay at meron taga-switch on and off kapa umaga na o gabi. Inisip ko rin na Meralco din ang nagswi-switch nun. Yun pala, hindi.