Archive for the 'Daily Lives' Category

“Hehe” - The Magic Word

Posted in Daily Lives on August 23rd, 2007

Dati, simpleng pa-cute effect lang sa text at chats ang “hehe”. Minsan, ginagamit ko yan para humaba yung sentence pag feeling ko bitin. At ngayun, ang “hehe” can also mean “no comment”. Madalas ko mapansin yan sa mga chat lalo na pag naka YM mo bigla yung mga classmate mo nung elementary. Pag medyo awkward na ang usapan, mag-he-”hehe” ka na lang. Pag hindi ka makarelate sa sinasabi nya or wala ka lang talagang comment sa last statement nya…isang sagot lang…”hehe..”

Pero sa mga nakaka-chat ko, parang understood na yun e. Pag nag-”hehe” ka na, usually, end na yun ng conversation unless nag open-up ka (or sya) ng bagong topic. Kaya minsan, nasasawa na ako mag-”hehe”…”haha” naman para kunyari natatawa ka kahit hindi.

Wala lang. May times kasi na naiirita na ako sa ”hehe” pero I still can’t live without that magic word. Hehe…(’ta mo!)

At least nga ginagamit lang sa text or chat yun e. Imaginin mo na lang kung sa actual conversation yung ginagamit. Parang weird…

Status report

Posted in Work, Daily Lives on July 8th, 2007

Whew. Matagal-tagal din akong nawala sa internet world. Panu ba naman kasi, yung PLDT phone installation namin, inabot ng 3 months bagi kami makabitan. As a result, 3 months ding nakatunganga itong Opera browser ko at ang outdated kong antivirus. Kaya ngayung may dial-up connection uli ako, libreng-libre uli ako mag-internet ng walang Websense on the way (hindi katulad sa workplace).

So right now, masaya ako dahil permanent na ako dahil naka-six months na ako sa company. So anong ibig sabihin nun? Pwede na ako maging pasaway! Nyeheheh. Nagkaroon na rin ako mag-update ng Wordpress theme and this time, iniba ko lang yung color scheme. Binase ko sa colour scheme ng company namin at nagkataon pang colour scheme din ng upcoming Harry Potter book. Sa loob ng six months, madami dami na rin ako naipundar sa bahay lalong lalo na sa aking pinakamamahal na PC. Hard drive upgrade na lang ang kulang before ako makuntento. In fact, nire-ready ko na yung PC bago kami magpakabit ng broadband.

At dahil unti-unti ko na nang na fi-feel ang ownership ng PC ko, parang ang damot ko na. Parang ayaw ko na pagamitin yung mga kapatid ko. Ni hindi man lang kasi marunong mag-cover ng keyboard pag hindi ginagamit. Nakakaasar. Ganun pala talaga ang feeling pag ikaw na ang bumubili ng gamit. Tulad ng isa kong friend, hindi ko pa rin feel na employed na ako. Hindi ko pa rin fully absorbed na “eto na, may trabaho na ako, employed na ako”. Feeling ko pumapasok lang ako sa school at kailangang pumasok ng maaga at mag-abang ng 15th or 30th of the month to withdraw money on the ATM machine. Maybe it’s a good thing kasi hindi mo feel na pressured ka or maybe it’s a bad thing dahil hindi ka seryoso sa trabaho mo. I don’t know, basta sumusweldo ako, yun ang importante..Wahaha.

Bagong Buhay, Bagong Bahay

Posted in Daily Lives on April 8th, 2007

This is not an Easter-related post but rather a sort of an emo post and this also explains kung bakit hindi na ako nakakapag-post masyado… 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na hindi na ako magigising sa bahay namin sa Muntinlupa. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari. Masyadong sudden yung decision na umalis kami sa Munti at mag-rent ng apartment sa Makati. Ni wala kami lahat kamalay-malay nung New Year na lilipat kami ng bahay. Magka-college na kasi yung bunso namin. At halos lahat kami sa Makati pumapasok. Nanay, ate, kuya, younger sister…lahat sa Makati pumapasok. Ako sa Boni pero baka ma-deploy ako sa Ayala. Natupad na rin sa wakas yung pangarap ng nanay ko na maglakad lang hanggang sa office nila. Ako naman natupad na ang pangarap kong maglakad ng nakapambahay na damit along Buendia Avenue. Heheh…

Last Good Friday, binigay na namin yung susi namin dun sa bagong uupa ng bahay namin. Hinakot na namin yung mga gamit namin at niligpit yung mga extra sa isang spare room. Syempre nakakalungkot. Dun na ako lumaki e. “Home person” pa naman ako. Nung nag-aaral pa ako, kadadating ko lang sa school, gusto ko na kaagad umuwi kasi masarap uwian yung bahay namin e. Nakakatanggal ng stress lalo na pag nakita mo yung pusa naming napaka-cute at napaka-peaceful ng itsura pag tulog.

Read more »

7 styles ng pangangaroling

Posted in Daily Lives, Complaints on December 16th, 2006

Dito sa village namin, lapitin ng mga nangangaroling ang mga may Christmas lights sa labas ng bahay kaya minsan naiinis na ako at hindi ko na lang binubuksan. Yung iba naman, sige pa rin sa pangangaroling kahit sinigawan ko na ng “PATAWAD!”. Mas malakas pa kasi tahol ng aso namin kesa sa mga boses nila e. 4 years ago, nung ayus pa ang mini-radio namin, ni-record ko ang sarili ko na sumisigaw ng “Patawad!”. Tapos, inilabas ko yung radio sa may gate. Naka-’play’ na agad sya para pag ni-plug ko sya sa outlet via extension, magpe-play agad ng ‘Patawad!’ So everytime na may dadating, sinasaksak ko na lang sa outlet para hindi na ako sisigaw.

Eto yung top 7 styles ng pangangaroling sa’min:

7. Kumakanta with matching instrumento. (The usual)
6. Imbento ng sariling Christmas song: Boom Tarat Tarat ng Wowowee.
5. Tumutugtog lang ng instrumento at walang kanta (o sobrang hina ng kanta?)
4. Kanta lang. Acapella. Walang instrumento.
3. Magbibigay lang ng sobre na may “Merry Christmas”. Tapos aalis na. Babalik daw at a specified date and time.
2. Magbibigay ng sobre. Isa daw sila sa napakaraming organizations at kakanta on that very moment.
1. Sumisigaw na lang ng “Namamasko po!” na wala man lang effort na gumawa ng instrumento at kumanta.

Ewan ko ba kung bakit napaka-bitter ko na sa mga nangangaroling. Yung iba kasi ginagamit lang ang season para mag-solicit ng pera. Tapos yung mga bata naman, babalik balikan ka once na nagbigay ka. May mga bata naman na mararandaman mong sincere ang pangangaroling. Pero yung iba, feeling ko ipang-raragnarok lang nila yung nakolekta nila.

Tapos meron ding type na namamasko na dala pa yung mga anak nya. Parang namamalimos pero ‘namamasko’ daw sila.

Savouring the last few days of being unemployed

Posted in Work, About Me, Daily Lives on December 13th, 2006

Sabi sa isang text message na natanggap ko, there are 3 stages in life daw.

First stage: More time, more energy, no money.
Second stage: More money, no time, no energy.
Third stage: More time, more money, no energy.

I’m not sure about the second stage. Baka time lang ang wala but you still have the energy. Depende naman yun sa tao di ba?

Right now, I’m on the brink of stage 1. Nilalasap ko na ang bawat moment. January 8 next year, start na ako sa isang outsourcing IT company. Kaya ngayon, nagpapakasaya na ako. Kahit walang pera. Ngayon, nagwawalis na ako ng kalat sa labas. Naglalaba na ako ng mga damit namin. Masayang-masaya na ako ngayon na naghuhugas ng pinggan tuwing gabi kahit sawang-sawa na ako. Kasi pag nagtrabaho na ako, hindi ko na magagawa yun e. Hindi na rin ako makakanood ng mga movies sa cable/vcds/dvds. Once na nagstart na ako, ang gagawin ko na lang, gising, ligo, kain, byahe, trabaho, kain, byahe, kain, tulog. Tapos na ang maliligayang araw ko. Parang gusto ko uli maging student. Kasi pag studyante ka, papasok ka lang talaga sa school, may baon ka na…at parang may future ka pa. Pero pag nagwork na ako, feeling ko hindi pa sure ang future ko e. Bahala na.
Marami pa sana akong balak ngayon isang buwan na lang ang bakasyon ko. Gusto ko pang mag self study sa Flash, CSS, PHP, Photoshop, Java (uli) atbp para naman hindi ako mukhang aanga-anga pag pasok ko sa trabaho. Kaso, iniisip ko, parang ang killjoy naman kasi may 6 months training naman ako before mag start talaga. Kaya iba na lang priority ko…maglinis ng kalat sa PC, mag back-up ng files, magbigay ng testimonials sa Friendster, ayusin ang wikisite ng high school batch namin, makipag-bonding sa tatay ko na babalik sa Saudi sa January 2 atbp. Kung makakapag-bakasyon lang ako, mas maganda sana. Pera nga lang ang wala. Well, totoong-totoo yung natanggap kong text.

The rest of the year is going to be sad…

Posted in Daily Lives, School on October 12th, 2006

Wow. Almost 2 months after my last post. And for that two months, I spend the rest of my life, giving my 100%, sitting in front of my PC almost 20hrs a day just to finish our thesis. I took a break from blogging and everything that I enjoyed just for this …. thing. And now, those efforts are worthless. All that because of that freaking storm, those panelists and the school registrar.

Here’s the summary…
Read more »