Of Recent Pinoy Films
Hanggang ngayun nasusuka pa rin ako sa mga Filipino films. I appreciate some of them pero yung karamihan talaga puro patapon lang at halatang ginagawa lang just to make money. I’m sure independent films are much better pero hindi ako nagkakaron ng chance makanood kahit isa man lang.
Tapos wala ng ibanh genre kundi romantic movies featuring the popular love teams na kahit ilang beses mang pagtambalin ay hindi pa rin nagsasawa ang mga tao. Ang nakakainis pa, lahat ng mga title ng movie ay galing sa kanta or yung title mismo ng soundtrack. Galing…napaka-creative! Sobra. At least assured sila na pag kumita ang movie, kikita din ang soundtrack. Ni hindi nga original yung mga songs e..puro naman revival naman.
Forevermore, Got 2 Believe, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, Kung Ako Na Lang Sana, Till There Was You, All My Life, Can This Be Love, Don’t Give Up on Us, Close to You, All About Love, You Are the One,First Day High, You Got Me, I Will Always Love You, Paano Kita Iibigin, Moments of Love, Till I Met You, I’ve Fallen for You atbp. (Buti naman natapos na ang lugar series: Milan, Dubai)
Just recently, isang love story ang ipinalabas sa sine starring Aga Muhlach and Maricel Soriano. Ang title nya, parang hindi na nag-attempt mag-isip ang mga filmmakers. Nung nakita ko yung trailer sa TV, akala ko nag na narrate pa rin yung voice over, yun pala sinabi na nya yung title.
At kung hindi naman romantic movie, horror naman. Halata namang gaya lang sa mga Japanese movie e. Sa totoo lang, manhid na ako sa mga horror films. Kabisado ko na kung san ka gugulatin. I’m sure iba ang experience sa sine pero hindi ako magaaksaya ng pera para manood ng horror movie sa sine. Tatawanan ko lang ang mga nakikita kong cliches. Baka mag nitpick lang ako…Heheh…


Pansinin nyo din kung gaano ka creative ang mga poster ng mga Pinoy movies. Kapag horror, lahat ng mga mukha ng artista nakabalandra sa poster, kahit mga hindi kilalang artista. Tapos lahat ng name nila nandun din. Pag romantic film naman, laging magkayakap ang mag ka love team.
At pagdating naman sa trailer ng movie, para mo na ring nalaman ang buong storya na movie sa sobrang haba ng trailer. Minsan umaabot ng 5 minutes. First minute, iintroduce ang mga characters, then maiinlov sila, by the third minute, ipapakita yung conflict…4th minute, resolution at d2 rin ipinapamalas yung mga iyakan part at sa last part naman sasabihin yung mga pangalan ng artista.
Hanggang kumikita ang mga ganitong movie, hindi sila magrereformulate. Sana mag try naman sila ng something new.
September 10th, 2007 at 12:28 am
Onga eh sinabi mo pa. Mas magaganda pa ‘yung indie films eh. Pero kasi ‘yung tipong film na kelangan mag-isip, di naman kakagat sa masa. Ang kumikita eh ‘yung mga walang kwenta at paulit-ulit na plot pero may mga maganda/gwapo na lead stars. Madalas media din talaga problema kung ba’t nagiging mindless drones karamihan sa mga Pilipino. May capability naman silang gumawa ng intelligent films kung sa’n mapapa-isip ‘yung mga tao pero di nila ginagawa. Isa pang gripe ko din eh wala tayong maayos na sci-fi film. Ang naaalala ko lang eh “Kokey” eh sobrang walang kwenta naman no’n. Sana magkaron ng sci-fi talaga na kung baga may scientific research silang ginawa (e.g. time travel tapos magme-mention sila ng worm holes or theory of relativity) Medyo slapstick din pala ‘yung comedy films natin (though may iba din na nakakatawa talaga).
September 10th, 2007 at 8:50 am
Di na rin ako nakakapanood ng sine, huling lokal movie na napanood ko yung Sukob. Medyo nakakatamad panoorin, dito naman kasi pag sa pelikula, yung pino-promote hindi yung movie kundi yung mga artista. Nanunood ng showbiz talk show yung pamilya ko, pag nagpo-promote sila bakit kaya di rin pinag-uusapan yung movie masyado, yung career, lovelife nila yung pinag-uusapan. Siguro pag yung movies na yung na-promote baka tinuan na yung pelikula nila.
Sabi ng kaibigan ko maganda nga daw ang indie films, at least dun di nila iniisip yung commercial sucess ng pelikula.
September 12th, 2007 at 1:34 pm
Kase naman ang trend ngayon, habang mainit ang isang artista larga nalang sila ng larga. mahilig ako sa mga horror movies pero hindi naman nakakatuwa ‘yung mga horror movies nila. Napanood ko ‘yung Fengshui dati sa sinehan, tapos ‘yung Sukod at Pamahiin sa DVD. Although maganda naman ang plot, hindi naging ganun kaganda ang kinalabasan dahil sa casting.
Sa mga Love Story, wag ka na talagang umasang may mapapanood kang maganda dahil hindi naman marurunong magsi-arte ang mga artistang pinipili nila. Magkaron man ng mga big stars like Vilma Santos at Christopher de Leon, natatabunan din ng mga Angel Locsin at Judy Ann Santos. Sa mga “pinaka-bagong” pelikulang napanood ko, meron parin naman akong mairerecommend: Tanging Yaman, American Adobo at ‘yung pelikula ni Eddie Garcia at Cogie Domingo, Deathrow ata ang title nun nakalimutan ko na. Pwde narin ‘yung Jologs at ang kajologan ng Tanging Ina.
Paminsan-minsan may mga sumusulpot parin namang magagandang pelikulang Pinoy. Don’t loose hope
February 6th, 2008 at 2:45 pm
that is why i do not want to watch pinoy movies. i prefer watching western or east asian or indie films. mas may sense pa yun kesa sa mga top produced film na wala naman sense yung story. yung story line hindi unique. parang di pinag-isipan. even the teledramas. ugh! uber ugh! sayang ang bayad sa kuryente kung yun ang panonoorin ko. same reasons.
*napadaan lang po. twiger
April 4th, 2008 at 1:57 am
international travel insurance uk…
pregnant beribboned vivid slap needs refreshed!…
May 1st, 2008 at 5:59 pm
casinò che ti danno il bonus sensa depositare…
attractive spanking steadfastly consulates equaling coloring …
May 5th, 2008 at 4:09 am
insurance services travel…
vicissitude hop face …
May 5th, 2008 at 2:00 pm
car company compare insurance…
piles?spunk Hegelian rotations …
May 12th, 2008 at 12:22 pm
téléchargements de casino…
uninsulated thank?departed!dirty fleeting Hindustan …