Of Recent Pinoy Films
Posted in Movies on September 9th, 2007Hanggang ngayun nasusuka pa rin ako sa mga Filipino films. I appreciate some of them pero yung karamihan talaga puro patapon lang at halatang ginagawa lang just to make money. I’m sure independent films are much better pero hindi ako nagkakaron ng chance makanood kahit isa man lang.
Tapos wala ng ibanh genre kundi romantic movies featuring the popular love teams na kahit ilang beses mang pagtambalin ay hindi pa rin nagsasawa ang mga tao. Ang nakakainis pa, lahat ng mga title ng movie ay galing sa kanta or yung title mismo ng soundtrack. Galing…napaka-creative! Sobra. At least assured sila na pag kumita ang movie, kikita din ang soundtrack. Ni hindi nga original yung mga songs e..puro naman revival naman.
Forevermore, Got 2 Believe, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, Kung Ako Na Lang Sana, Till There Was You, All My Life, Can This Be Love, Don’t Give Up on Us, Close to You, All About Love, You Are the One,First Day High, You Got Me, I Will Always Love You, Paano Kita Iibigin, Moments of Love, Till I Met You, I’ve Fallen for You atbp. (Buti naman natapos na ang lugar series: Milan, Dubai)
Just recently, isang love story ang ipinalabas sa sine starring Aga Muhlach and Maricel Soriano. Ang title nya, parang hindi na nag-attempt mag-isip ang mga filmmakers. Nung nakita ko yung trailer sa TV, akala ko nag na narrate pa rin yung voice over, yun pala sinabi na nya yung title.
At kung hindi naman romantic movie, horror naman. Halata namang gaya lang sa mga Japanese movie e. Sa totoo lang, manhid na ako sa mga horror films. Kabisado ko na kung san ka gugulatin. I’m sure iba ang experience sa sine pero hindi ako magaaksaya ng pera para manood ng horror movie sa sine. Tatawanan ko lang ang mga nakikita kong cliches. Baka mag nitpick lang ako…Heheh…


Pansinin nyo din kung gaano ka creative ang mga poster ng mga Pinoy movies. Kapag horror, lahat ng mga mukha ng artista nakabalandra sa poster, kahit mga hindi kilalang artista. Tapos lahat ng name nila nandun din. Pag romantic film naman, laging magkayakap ang mag ka love team.
At pagdating naman sa trailer ng movie, para mo na ring nalaman ang buong storya na movie sa sobrang haba ng trailer. Minsan umaabot ng 5 minutes. First minute, iintroduce ang mga characters, then maiinlov sila, by the third minute, ipapakita yung conflict…4th minute, resolution at d2 rin ipinapamalas yung mga iyakan part at sa last part naman sasabihin yung mga pangalan ng artista.
Hanggang kumikita ang mga ganitong movie, hindi sila magrereformulate. Sana mag try naman sila ng something new.