Archive for August, 2007

“Hehe” - The Magic Word

Posted in Daily Lives on August 23rd, 2007

Dati, simpleng pa-cute effect lang sa text at chats ang “hehe”. Minsan, ginagamit ko yan para humaba yung sentence pag feeling ko bitin. At ngayun, ang “hehe” can also mean “no comment”. Madalas ko mapansin yan sa mga chat lalo na pag naka YM mo bigla yung mga classmate mo nung elementary. Pag medyo awkward na ang usapan, mag-he-”hehe” ka na lang. Pag hindi ka makarelate sa sinasabi nya or wala ka lang talagang comment sa last statement nya…isang sagot lang…”hehe..”

Pero sa mga nakaka-chat ko, parang understood na yun e. Pag nag-”hehe” ka na, usually, end na yun ng conversation unless nag open-up ka (or sya) ng bagong topic. Kaya minsan, nasasawa na ako mag-”hehe”…”haha” naman para kunyari natatawa ka kahit hindi.

Wala lang. May times kasi na naiirita na ako sa ”hehe” pero I still can’t live without that magic word. Hehe…(’ta mo!)

At least nga ginagamit lang sa text or chat yun e. Imaginin mo na lang kung sa actual conversation yung ginagamit. Parang weird…

PLDT Broadband

Posted in Technology on August 19th, 2007

Many people are actually complaining about PLDT’s “crappy” Broadband Services on their blogs. Konti lang yata ang nagpe-praise about the service. Well, recently, nagpa-broadband na rin kami and so far, wala pa naman akong angal. Download speed can reach up to 120 kbps depending on the site kaya wala na akong pake kung san ako mapuntang site. I felt more freedom on web surfing than ever before. Kaya ni-grab ko na yung opportunity na magdownload ng movies via bittorrent.

During those dialup days, ni hindi ko nga alam kung ano yung bittorrent e. At wala akong balak alamin kasi alam kong hindi naman ako magbe-benefit dun. Pero ngayun, yung mga movies na hindi ko mahagilap sa mga bangketa, nakikita ko sa bittorrent sites. Ang saya-saya naman.

Ngayon, mapapanood ko na after 10 long years, ang classic zombie cult film ni Peter Jackson na Braindead (or Dead Alive). I’ve been wanting to see it again ever since napanood ko yun sa birthday party ng classmate ko nung Grade 5. I considered it my favorite movie then. Pero ngayun, mapapanood ka na ulet. Yung lawnmower scene na lang talaga ang naaalala ko dun e.

Thanks to PLDT’s excellent service. Sana naman hindi ito ningas cogon na one month/two months lang mabilis. I guess depende na rin to sa location e. Nung nasa Munti pa kami, maximum speed ng dial up namin dun e…33.6 kbps lang. Pero nung lumipat kami sa Makati, umabot sya ng 45 kbps. Swertehna lang talaga siguro.