Status report

Whew. Matagal-tagal din akong nawala sa internet world. Panu ba naman kasi, yung PLDT phone installation namin, inabot ng 3 months bagi kami makabitan. As a result, 3 months ding nakatunganga itong Opera browser ko at ang outdated kong antivirus. Kaya ngayung may dial-up connection uli ako, libreng-libre uli ako mag-internet ng walang Websense on the way (hindi katulad sa workplace).

So right now, masaya ako dahil permanent na ako dahil naka-six months na ako sa company. So anong ibig sabihin nun? Pwede na ako maging pasaway! Nyeheheh. Nagkaroon na rin ako mag-update ng Wordpress theme and this time, iniba ko lang yung color scheme. Binase ko sa colour scheme ng company namin at nagkataon pang colour scheme din ng upcoming Harry Potter book. Sa loob ng six months, madami dami na rin ako naipundar sa bahay lalong lalo na sa aking pinakamamahal na PC. Hard drive upgrade na lang ang kulang before ako makuntento. In fact, nire-ready ko na yung PC bago kami magpakabit ng broadband.

At dahil unti-unti ko na nang na fi-feel ang ownership ng PC ko, parang ang damot ko na. Parang ayaw ko na pagamitin yung mga kapatid ko. Ni hindi man lang kasi marunong mag-cover ng keyboard pag hindi ginagamit. Nakakaasar. Ganun pala talaga ang feeling pag ikaw na ang bumubili ng gamit. Tulad ng isa kong friend, hindi ko pa rin feel na employed na ako. Hindi ko pa rin fully absorbed na “eto na, may trabaho na ako, employed na ako”. Feeling ko pumapasok lang ako sa school at kailangang pumasok ng maaga at mag-abang ng 15th or 30th of the month to withdraw money on the ATM machine. Maybe it’s a good thing kasi hindi mo feel na pressured ka or maybe it’s a bad thing dahil hindi ka seryoso sa trabaho mo. I don’t know, basta sumusweldo ako, yun ang importante..Wahaha.

One Response to “Status report”

  1. minor Says:

    nakow ganyan din ako non, pero ngayon after 6yrs 10:30am na ako pumapasok, monthly ako memo dahil sa late pero hindi naman nila ako masuspend haha, seryoso ang pinakamasarap na feeling pag nagwowork kana eh yung every sweldo mo may maiaabot ka sa nanay mo na pera kahit hindi naghihingi ang nanay mo pero magbibigay ka kahit half ng sweldo, sarap ng feeling pag ganon

Leave a Reply