Bagong Buhay, Bagong Bahay
This is not an Easter-related post but rather a sort of an emo post and this also explains kung bakit hindi na ako nakakapag-post masyado…Â
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na hindi na ako magigising sa bahay namin sa Muntinlupa. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari. Masyadong sudden yung decision na umalis kami sa Munti at mag-rent ng apartment sa Makati. Ni wala kami lahat kamalay-malay nung New Year na lilipat kami ng bahay. Magka-college na kasi yung bunso namin. At halos lahat kami sa Makati pumapasok. Nanay, ate, kuya, younger sister…lahat sa Makati pumapasok. Ako sa Boni pero baka ma-deploy ako sa Ayala. Natupad na rin sa wakas yung pangarap ng nanay ko na maglakad lang hanggang sa office nila. Ako naman natupad na ang pangarap kong maglakad ng nakapambahay na damit along Buendia Avenue. Heheh…
Last Good Friday, binigay na namin yung susi namin dun sa bagong uupa ng bahay namin. Hinakot na namin yung mga gamit namin at niligpit yung mga extra sa isang spare room. Syempre nakakalungkot. Dun na ako lumaki e. “Home person” pa naman ako. Nung nag-aaral pa ako, kadadating ko lang sa school, gusto ko na kaagad umuwi kasi masarap uwian yung bahay namin e. Nakakatanggal ng stress lalo na pag nakita mo yung pusa naming napaka-cute at napaka-peaceful ng itsura pag tulog.
For the whole month of March, dito na kami ng kapatid ko umuuwi sa Makati during weekdays. Wala pa halos gamit. Tulugan at lutuan lang. Walang kwenta naman yung TV kasi walang kwenta din yung antenna. Walang ref at walang ding PC. Kaya kung i-imaginin yung buhay namin dito, literally kain-tulog-ligo lang kami dito. Nung second week nga ng March 2 days ako sick leave dahil hindi na yata kinaya ng katawan ko yung sobrang changes sa paligid ko. Bago bahay, bago location sa office, wala pang PC sa bahay…At least every weekends, sumasaya naman ang buhay kasi nakakauwi ako sa bahay namin sa Munti. Pero sa mga time na yun, medyo malungkot na kasi alam mong aalis ka na sa bahay na inuuwian mo lagi. Everytime na umuuwi ako ng weekends, dinadama ko na every moment dun. Totoo palang ma-a-appreciate mo every little thing kapag mawawala na sa’yo. Marami pala akong na-o-overlook sa bahay namin. Ma-mi-miss ko yung tweeting ng birds tuwing umaga. Kasi dito sa tinutuluyan namin sa Makati, maingay…puro humaharurot na jeep at mga tambay.
Maliit lang ang tinutuluyan namin sa Makati. 1/3 lang yata ng bahay namin e. Buti nga napagkasya namin lahat sa iisang kwarto. Pagpasok mo ng pinto nandun na lahat: sala, higaan at kusina. Banyo lang yung isang pinto. Nakakapanibago pero okay lang kasi wala na akong wawalising dahon at didiligang halaman sa labas. Heheh…
Pero ngayun, hindi na masyado malungkot kasi yung structure lang naman ang iiwan ko dun. Nandito pa rin naman kami ng buong family ko. Naks. Babalik naman kami dun after 3-4 years para ipaayos ang bahay at dun uli tumira. Mabilis lang naman ang taon e…
April 8th, 2007 at 9:05 pm
Waw, at last nag-update ka din. Alam mo pangarap kong magka-apartment sa Makati kung do’n man ako magtra-trabaho. Di ba sa States, ‘yung mga nagtra-trabaho sa big cities like NY sa mga flat lang madalas nakatira (I mean as shown on TV). Tsaka, maganda ‘yung ambiance ng Makati, I mean ‘yun bang maraming tao in corporate attire na naglalakad, ‘yung skyscrapers tsaka ‘yung city lights pag gabi. Hehe, lapit mo na sa gimikan.
April 12th, 2007 at 4:56 pm
Di na pala nag-ko-crawl yung blog mo sa kinja. Nabanggit ko lang.
Baka ma-miss mo rin ang may bakuran, nung lumipat kami sa bahay na walang bakuran na-miss ko talaga but na lang nakahanap ng iba. Pero OK nga yung sa inyo, convenient, at parang ang sarap maglakad sa mga main Highways ng nakapambahay. Parang naka-studio-type kayo. At least kasama mo nga ang buong pamilya.
April 13th, 2007 at 4:09 pm
nice one alvin..gud luck na lang sa new house/apartment/location nyo..ahahahaha..ang daming “/”. studio type. ayos lang yun at least malapit na sa mga pinapasukan nyo.
d nga?malilipat ka sa Ayala?kelan?project-based?SEPG?
peace8)
April 13th, 2007 at 4:59 pm
To all of the above: Grabe ang cost of living d2…halos lahat ng bilihin mas mahal ng P2-P5!!! Ang susungit pa ng mga tindera. Tapos nagko-close din yung mga tindahan nila every lunch…susyal di ba?
Skwayred: Nakakainspire nga tumira pag puro employees na naglalakad ang mga kasabay mo sa daan…Unfortunately hindi ako maxadong ma-gimik. Baka ngayun matuto na ako..
Jeeper: Yaan mo pag nagpakabit na kami ng broadband, balik normal online life ko…ma-mi-miss ko din yung pusa namin…balak nga namin balikan yun at dalhin d2 sa makati e. Super convenient nga tumira d2, pag na deploy ako sa Ayala office namin, isang silip ko lang sa window namin, matatanaw ko na agad yung building namin…hehe
Elaine: Di pa sure yung deployment kung sa MSE or GT…pero okay lang kung dun nga kasi pwede na lakarin…hahah
April 16th, 2007 at 11:34 am
ngsasara cla every lunch?ayos ah…
April 25th, 2007 at 3:30 pm
it’s funny I was browsing over and read your blogs. kunsakali, kaw pala naging ka-big switch ko. i was previously working in boni, sa may cybergate. i recently transferred sa muntinlupa though i am working at mse.
if one goes in, another goes out. anyway, nice blogs boy. simple yet entertaining.
in case you ask, we don’t knknow each other. just want to do shout outs kesa mangulangot ako maghapon sa opis. iba pa mailagay ko sa status report ko. he he.
April 26th, 2007 at 10:02 am
talaga? ka big-switch kita? total opposite nangyari sa atin…hehe
i was also browsing your blog and it caught my attention too..