My First EVER Cellphone
Believe it or not, at age 20, ngayun lang ako nagkasariling cellphone sa buong buhay ko. Nung college ako, 99.9% yata ng estudyante sa Mapua ay may cellphone. Kasama ako dun sa 0.01% na wala pa…ever. Eh hindi naman kasi ako humingi ng cellphone sa nanay ko e. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nahilig mag text o bakit hindi ako naiiingit sa mga kapatid kong mas bata pa sa akin na nauna nang magkaroon ng cellphone. I just don’t find it as a necessity. Hindi naman kasi ako gala. Kung may lakad man na mahalaga, dun ko lang naiisipang hiramin yung phone ng kapatid ko. Eh kaso hindi naman pala-lakwatsa kaya wala lang…kuntento na ako na walang cellphone.
Syempre, nung naghahanap ng trabaho, dun ko pa lang naisip na kelangan may sarili na akong phone na ako para matawagan ako ng mga companies. Pero nagkatrabaho na ako, wala pa rin ako cellphone. Kung hindi pa nag-presinta yung tatay ko na ibili ako ng cellphone, hanggang ngayun siguro wala pa. 2 years ago, I made this post na parang nagkatotoo nga yung sinabi ko noon…

Pero at least, ayun meron na. Salamat sa tatay ko. As a graduation gift, binili nya ako ng Motorola SLVR L7. Nasurprise ako. Nokia kasi ang in-expect ko. Gustuhin ko mang mag-text, hirap naman ng keypad. Nasa asterisk pa yung “space”, hindi nasa “0″. Yung comma character, hirap i-access. Nasa pang-apat na keypress pa ng Key 1 sa halip na pangalawa lang. Hindi ako sanay! Buti na lang may MP3 player at least may pakinabang ang bagong gadget ko. In fact, mas gusto ko pang tawaging “MP3 player with a call and text feature” yung cellphone ko e kasi MP3 at storage device yung main function nito para sa akin e. One week na nakakalipas, free text pa rin ng SIM Card ang load ko. Hindi ko pa rin nauubos ang P50. Mas marami pa yata yung mga “pa-text-naman-kuya” ng kapatid ko.
Nag-settle na lang ako sa SMART kahit Globe dapat ang bibilhin kong SIM. Kung kelan ako nagka-cellphone, tsaka naman nagtaas ang unlimited ng Globe. Ayus lang naman yun kasi, hindi naman ako [magiging] text-addict. Kahit sinabihan ako ng former classmate ko na “loser” ako dahil Smart yung number ko (dahil halos lahat ng friends ko ay Globe users) wala akong pake. Sana lang hindi na i-rollback ng Globe yung Unlimitxt para Globe users naman ang losers! Haha…
February 17th, 2007 at 1:11 am
hmm wala pa akong grad gift. except lang ung nasurprise kaming biglaang umuwi si erpat… pwede na un… medyo mahal din ang pamasahe hehe…
congrats! dbale halos smart naman mapua haha… wag ka na globe hehe taas na ng unlitext nila.. ewan ko ba dun…
nga pala. manlibre na kayo!
February 17th, 2007 at 8:44 pm
Congrats! Siguro nga hindi ka ma-a-adik sa text.
Kasi matagal na akong may cellphone pero never akong na-adik or nagkaron ng textmate. Pang-inform lang talaga kung nasan ako at kung anong oras ako uuwi (medyo lakwatsera ako ng konti). Pero minsan din magdadaan ‘yung isang araw na wala akong tine-text. Kaya wala ding purpose sa akin ‘yung unlimitext ng Globe (though I tried it a few times).
Maganda ‘yang phone na ‘yan.
Iyan ‘yung ginawa namin dating stereo nu’ng nasa Surigao kami (sa classmate ko ‘yung phone). Ang lakas ng tunog. Para ngang main function n’ya ‘yung mp3. =D
February 22nd, 2007 at 7:33 pm
yey! ako ba tlga unang tnxt mo ha?? ala akong load eh. globe kasi, looser ba!? haha.. ingat. treat nyo naman ako!!!!
February 22nd, 2007 at 11:56 pm
there’s nothing wrong naman with smart, of course yun sasabihin ko dahil naka-smart ako since day one. sanay na kasi ang iba kaya ganun..
February 23rd, 2007 at 11:49 am
congrats! at least nga meron ka ng sarili mo na puwede kang makontak.. maganda din naman yung feature ng L7 lalo na merong mp3 nga, yun nga lang nakakalito talaga yung keys nun.. pero anyway, good looking naman yan… ako globe ako, pero plan ko na ding lumipat ng sun… mas makakamura ako lalo na gusto ko yung nakakatawag ako anytime sa bahay… mura na nga lang din yung smart kasi 35c na lang pangtxt..
February 24th, 2007 at 4:12 pm
Jong: Halos lahat ng AC2 Globe users e..
Skwayred: Yun nga, pang “San n u? D2 n me” lang ang pinaka-purpose nun sa akin..
CJ: Oo naman, ikaw tlaga unang-una…pramis!
Karlow: Ang hirap pa namng lumipat ng network…kelangan ma update ang lahat..
Gbert: Bumili na nga lang ako ng P300 load para mas makamura ako e. At least 2 months ang expiry nun, kesa naman P30 every 3 days.
February 28th, 2007 at 3:34 pm
nangangapa rin ako sa bagong phone ko, nakakalito yung “space.” dati, tinatagal ako ng dalawang araw na walang text. pero dahil meron akong contact ngayon, text chat na ang drama.
March 3rd, 2007 at 2:40 am
makikibisita po.
late bloomer din ako pagdating sa celfon, may trabaho na ako nung nakapundar ako ng sarili kong fon. at totoo na hindi komo may celfon eh automatic may text mate.
congrats sayo. Ü