Transition Phase
It’s been a week since the graduation ceremonies. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakatapos na ako ng college. Akala ko noon, day after ng graduation, tutunganga lang ako na parang “Now what?” pero fortunately may trabaho na agad ako.
Speaking of work, under ako ng one month training sa GT Tower about C#.NET. Buti na lang may training kasi ayokong isasabak agad ako sa trabaho ng ganun ganun na lang. At magkakaroon ako ng chance na maka-vibes ang mga makakasama ko sa trabaho. Medyo nakakapag-adjust na rin ako kahit papaano. Hindi ko pa nailalabas ang character ko sa kanila. Usually kasi, tahimik lang talaga ako hanggang walang kumakausap sa akin. Unti-unti lang ako dumadaldal habang tumatagal. Pero hindi ko pa naa-unleash yung character ko na alam ng mga high-school at college friends ko. Hahah… That’s why I’m sticking with my “Gollum” avatar not because of being an LOTR fanatic but because it symbolizes my dual personality. (One good, the other evil?). Not to mention na Gemini ang zodiac sign ko….twins.
Mahirap sabihin kung sino-sino sa mga ka-officemates mo ang ka-edad mo. Akala ko nung first day, pare-pareho kaming newly-graduates. Magugulat ka na lang na 25-30 something na sila at yung iba may pamilya na pala. Hindi halata sa mukha. At dahil first name basis ang tawagan sa’min, minsan lang ako mag ‘ate’ at ‘kuya’ lalo na sa akala kong ka-edaran ko lang nung una, yun pala 5 years ahead sa akin.
Meron naman akong co-trainee na ka-edad na yata ng nanay ko. Mga 50+ na yata pero hangang-hanga ako kasi willing pa rin sya matuto ng bagong language. That only proves that nobody stops learning.
Ma-mi-miss ko ang school. Yung pagbabayad ng P6 sa jeep. Mga college friends. Mga professors. Pero hindi ko mami-miss ang paggising ng maaga, paghahabol ng deadlines, sleepless nights at stress kasi alam kong ganito pa rin ang buhay ko even after I finish school…
February 11th, 2007 at 8:17 pm
Nung nag-apply feeling ko ang naive ko kasi akala ko ang mga nag-jo-job hunting lang mga nasa 20s to 30s yun pala may mga tao na above 30 - 50. Nakakaaliw rin pala magka-co-worker na medyo matanda kasi inaalagaan nila ako. Hehehe.
At least naiimluwensyahan ko sila maglaro ng mga toys ko na dinadala ko sa opisina.