7 styles ng pangangaroling
Dito sa village namin, lapitin ng mga nangangaroling ang mga may Christmas lights sa labas ng bahay kaya minsan naiinis na ako at hindi ko na lang binubuksan. Yung iba naman, sige pa rin sa pangangaroling kahit sinigawan ko na ng “PATAWAD!”. Mas malakas pa kasi tahol ng aso namin kesa sa mga boses nila e. 4 years ago, nung ayus pa ang mini-radio namin, ni-record ko ang sarili ko na sumisigaw ng “Patawad!”. Tapos, inilabas ko yung radio sa may gate. Naka-’play’ na agad sya para pag ni-plug ko sya sa outlet via extension, magpe-play agad ng ‘Patawad!’ So everytime na may dadating, sinasaksak ko na lang sa outlet para hindi na ako sisigaw.
Eto yung top 7 styles ng pangangaroling sa’min:
7. Kumakanta with matching instrumento. (The usual)
6. Imbento ng sariling Christmas song: Boom Tarat Tarat ng Wowowee.
5. Tumutugtog lang ng instrumento at walang kanta (o sobrang hina ng kanta?)
4. Kanta lang. Acapella. Walang instrumento.
3. Magbibigay lang ng sobre na may “Merry Christmas”. Tapos aalis na. Babalik daw at a specified date and time.
2. Magbibigay ng sobre. Isa daw sila sa napakaraming organizations at kakanta on that very moment.
1. Sumisigaw na lang ng “Namamasko po!” na wala man lang effort na gumawa ng instrumento at kumanta.
Ewan ko ba kung bakit napaka-bitter ko na sa mga nangangaroling. Yung iba kasi ginagamit lang ang season para mag-solicit ng pera. Tapos yung mga bata naman, babalik balikan ka once na nagbigay ka. May mga bata naman na mararandaman mong sincere ang pangangaroling. Pero yung iba, feeling ko ipang-raragnarok lang nila yung nakolekta nila.
Tapos meron ding type na namamasko na dala pa yung mga anak nya. Parang namamalimos pero ‘namamasko’ daw sila.
December 16th, 2006 at 11:10 pm
hay pareho tayo. Sa totoo lang hindi ko na maramdaman ung sinceridad ng mga nangangaroling. ewan ko ba. Kasi noong panahon natin e, gumagawa pa kami ng mga instrumento. ung tansan pinipitpit, ung latang tambol, tapos samahan mo pa ng mga boses na maayos. hindi un bara bara… ngayon ewan ko sa kanila.