Savouring the last few days of being unemployed

Sabi sa isang text message na natanggap ko, there are 3 stages in life daw.

First stage: More time, more energy, no money.
Second stage: More money, no time, no energy.
Third stage: More time, more money, no energy.

I’m not sure about the second stage. Baka time lang ang wala but you still have the energy. Depende naman yun sa tao di ba?

Right now, I’m on the brink of stage 1. Nilalasap ko na ang bawat moment. January 8 next year, start na ako sa isang outsourcing IT company. Kaya ngayon, nagpapakasaya na ako. Kahit walang pera. Ngayon, nagwawalis na ako ng kalat sa labas. Naglalaba na ako ng mga damit namin. Masayang-masaya na ako ngayon na naghuhugas ng pinggan tuwing gabi kahit sawang-sawa na ako. Kasi pag nagtrabaho na ako, hindi ko na magagawa yun e. Hindi na rin ako makakanood ng mga movies sa cable/vcds/dvds. Once na nagstart na ako, ang gagawin ko na lang, gising, ligo, kain, byahe, trabaho, kain, byahe, kain, tulog. Tapos na ang maliligayang araw ko. Parang gusto ko uli maging student. Kasi pag studyante ka, papasok ka lang talaga sa school, may baon ka na…at parang may future ka pa. Pero pag nagwork na ako, feeling ko hindi pa sure ang future ko e. Bahala na.
Marami pa sana akong balak ngayon isang buwan na lang ang bakasyon ko. Gusto ko pang mag self study sa Flash, CSS, PHP, Photoshop, Java (uli) atbp para naman hindi ako mukhang aanga-anga pag pasok ko sa trabaho. Kaso, iniisip ko, parang ang killjoy naman kasi may 6 months training naman ako before mag start talaga. Kaya iba na lang priority ko…maglinis ng kalat sa PC, mag back-up ng files, magbigay ng testimonials sa Friendster, ayusin ang wikisite ng high school batch namin, makipag-bonding sa tatay ko na babalik sa Saudi sa January 2 atbp. Kung makakapag-bakasyon lang ako, mas maganda sana. Pera nga lang ang wala. Well, totoong-totoo yung natanggap kong text.

3 Responses to “Savouring the last few days of being unemployed”

  1. gbert Says:

    di talaga puwede na more lahat no? kasi nga kung meron lang akong time maggagala ng mabuti ngayon, ginawa ko na.. but since may trabaho pa, business muna before pleasure… at saka walng panggastos pag walang pera… mas ok na sakin wala akong masyadong time once in a while kesa mawalan ng pera.. argghh… hirap ng ganun, magkakadepression ako nun… di naman ako magastos pero mas may peace of mind ako pag may ipon… :)

  2. jeeper Says:

    Na-recieve ko rin yung message na yan. Nsa 2nd stage ako, weird nga kasi nung nag-aaral ako, 8 hrs. na ako sa work pero may time ako gumawa ng kung anu-ano, nung natapos yung school, parang lalo akong naubusan ng oras.

    Masarap ang maging bum minsan, inggit ako syo ngayon, ejoy it while it’s there. Parang gusto ko mag-resign muna. Di ko na-mi-miss ang school na-mi-miss ko yung student status ko… baka mag-aral ulit ako pero hinahanap ko pa yung passion ko. Pag nag-work ka baka bigla mong maramdaman yung weight ng respionsibility ng adult… kaya ako biglang na-depress last November. Di pa ako handa. Hehehe.

  3. darliza Says:

    umm, nakakatakot naman isipin yung buhay adult. yung ikaw na ang nag.eearn for yourself. wala lang. naisip ko lang. anyway, good luck. :)

Leave a Reply