Archive for December, 2006

7 styles ng pangangaroling

Posted in Daily Lives, Complaints on December 16th, 2006

Dito sa village namin, lapitin ng mga nangangaroling ang mga may Christmas lights sa labas ng bahay kaya minsan naiinis na ako at hindi ko na lang binubuksan. Yung iba naman, sige pa rin sa pangangaroling kahit sinigawan ko na ng “PATAWAD!”. Mas malakas pa kasi tahol ng aso namin kesa sa mga boses nila e. 4 years ago, nung ayus pa ang mini-radio namin, ni-record ko ang sarili ko na sumisigaw ng “Patawad!”. Tapos, inilabas ko yung radio sa may gate. Naka-’play’ na agad sya para pag ni-plug ko sya sa outlet via extension, magpe-play agad ng ‘Patawad!’ So everytime na may dadating, sinasaksak ko na lang sa outlet para hindi na ako sisigaw.

Eto yung top 7 styles ng pangangaroling sa’min:

7. Kumakanta with matching instrumento. (The usual)
6. Imbento ng sariling Christmas song: Boom Tarat Tarat ng Wowowee.
5. Tumutugtog lang ng instrumento at walang kanta (o sobrang hina ng kanta?)
4. Kanta lang. Acapella. Walang instrumento.
3. Magbibigay lang ng sobre na may “Merry Christmas”. Tapos aalis na. Babalik daw at a specified date and time.
2. Magbibigay ng sobre. Isa daw sila sa napakaraming organizations at kakanta on that very moment.
1. Sumisigaw na lang ng “Namamasko po!” na wala man lang effort na gumawa ng instrumento at kumanta.

Ewan ko ba kung bakit napaka-bitter ko na sa mga nangangaroling. Yung iba kasi ginagamit lang ang season para mag-solicit ng pera. Tapos yung mga bata naman, babalik balikan ka once na nagbigay ka. May mga bata naman na mararandaman mong sincere ang pangangaroling. Pero yung iba, feeling ko ipang-raragnarok lang nila yung nakolekta nila.

Tapos meron ding type na namamasko na dala pa yung mga anak nya. Parang namamalimos pero ‘namamasko’ daw sila.

Savouring the last few days of being unemployed

Posted in Work, About Me, Daily Lives on December 13th, 2006

Sabi sa isang text message na natanggap ko, there are 3 stages in life daw.

First stage: More time, more energy, no money.
Second stage: More money, no time, no energy.
Third stage: More time, more money, no energy.

I’m not sure about the second stage. Baka time lang ang wala but you still have the energy. Depende naman yun sa tao di ba?

Right now, I’m on the brink of stage 1. Nilalasap ko na ang bawat moment. January 8 next year, start na ako sa isang outsourcing IT company. Kaya ngayon, nagpapakasaya na ako. Kahit walang pera. Ngayon, nagwawalis na ako ng kalat sa labas. Naglalaba na ako ng mga damit namin. Masayang-masaya na ako ngayon na naghuhugas ng pinggan tuwing gabi kahit sawang-sawa na ako. Kasi pag nagtrabaho na ako, hindi ko na magagawa yun e. Hindi na rin ako makakanood ng mga movies sa cable/vcds/dvds. Once na nagstart na ako, ang gagawin ko na lang, gising, ligo, kain, byahe, trabaho, kain, byahe, kain, tulog. Tapos na ang maliligayang araw ko. Parang gusto ko uli maging student. Kasi pag studyante ka, papasok ka lang talaga sa school, may baon ka na…at parang may future ka pa. Pero pag nagwork na ako, feeling ko hindi pa sure ang future ko e. Bahala na.
Marami pa sana akong balak ngayon isang buwan na lang ang bakasyon ko. Gusto ko pang mag self study sa Flash, CSS, PHP, Photoshop, Java (uli) atbp para naman hindi ako mukhang aanga-anga pag pasok ko sa trabaho. Kaso, iniisip ko, parang ang killjoy naman kasi may 6 months training naman ako before mag start talaga. Kaya iba na lang priority ko…maglinis ng kalat sa PC, mag back-up ng files, magbigay ng testimonials sa Friendster, ayusin ang wikisite ng high school batch namin, makipag-bonding sa tatay ko na babalik sa Saudi sa January 2 atbp. Kung makakapag-bakasyon lang ako, mas maganda sana. Pera nga lang ang wala. Well, totoong-totoo yung natanggap kong text.