Graduation ka [sana] ngayon…

November 29. The day I was looking forward to before the series of unfortunate events happened. Siguro by this very moment, tinatawag na sana ang name ko sa PICC. Pero hindi e. Eto ako. Nagdadrama sa bahay. Iniimagine ko na lang na sana nandun ako. And to think na nagmamartsa ngayon ang ilang undeserving graduates*? Lalong nakakaasar. Dapat nga matutulog na lang ako o kaya manonood ng Happy Feet kaya lang wala akong pera kaya nag sound trip na lang ako. Pinatugtog ko yung graduation march! Hehe…
At sino ba ang hindi maasar pag eto pa ang dadatnan mo sa YM?

Okay sana tong classmate kong ito e. Alam ko naman deserve nya grumadweyt. Pero i-broadcast daw ba? Tapos pag tingin ko sa avatar nya, naka dirty finger pa? Nakakaasar na nga, nangasar pa. Sino ba ang ineexpect nyang makakabasa nyan? E lahat ng graduates nasa PICC ngayun? Nangaasar ba yan talaga or sobrang proud lang? Sinayang lang nya kuryente sa bahay nila kung iiwan nya lang ang PC nya habang gumradwyet lang sya saglit.
Hay…congratulations na lang sa kanila. Pasalamat sila wala pa si bagyong Reming para i-ruin ang araw na ‘to (katulad na pagru-ruin ni Milenyo sa thesis at graduation ko…). Ga-graduate din ako. Makikita nyo…hehe…
============================
* Yung mga grumadweyt na undeserving:
- nagpagawa ng thesis
- gumawa ng thesis 2-3 weeks before submission
- may kagrupong masipag at magaling
November 29th, 2006 at 10:23 pm
Haha onga parang ang yabang no’n. Du’n sa di pagpatay ng PC, baka gano’n lang talaga s’ya hehe. May classmate din kasi akong gano’n as in kahit nasa school s’ya nakabukas PC nila sa bahay.
Ako naman naiinis sa mga undeserving maka-12 balls sa thesis. I mean kami nagpatulong lang pero ‘yung iba nagpagawa talaga (at naka-perfect score sila). Pati ‘yung hine-hail sa amin na pinakamagagaling daw mag-program eh nagpagawa din pala ng buong system. Di ko nga inaasahan. I’m bitter because I have the right to be bitter. Pero sa sarili ko na lang.
Kung tutuusin ako ayoko grumaduate on time. Wala lang, parang wala naman kasi akong gano’ng naka-close sa school at di masyadong memorable ang college years ko. Mas gusto ko nga kunin na lang yung diploma, tapos na.
November 29th, 2006 at 11:31 pm
hay naku.. natulog lang ako pagtawag mo dito. Ayaw ko ng isipin pa. kaso masaklap pagonline ko kanina e binulaga ako ng Offline message na congrats sa lahat ng grumaduate. WTH, bakit ba group message pa, pwede namang isa isa.. tsk tsk caramba talaga. Hay naku.
deserving naman tayo tiamy… makakamarcha din tayo!!! Mas magaling tayo haha.. caramba, nagbuhat ng sariling bangko. Hay sana di magbrownout. baka defense na namin sa monday.. woot…
Congrats to all, deserving and undeserving.. nyahaha
November 29th, 2006 at 11:32 pm
teka bakit ba jon? caramba.
November 30th, 2006 at 4:47 pm
Nag-a-update ka na pala ulit. Buti pa ang di gumagradyuweyt… kasi ako tapos na pero di ko pa inaasikaso yung mga papeles ko, kasi parang ayoko maging full-time worker. Hehehe.
Nung March asar na asar ako sa iba kong batchmates kasi di ko alam kung paano sila naka-graduate at ako hindi. Life is unfair. But I think I am still enjoying my undergrad status… papers na lang ang kulang at yung formal na lakad sa stage.
Sige, good luck sa iyo.
December 2nd, 2006 at 12:34 pm
hay.. bitterness. ako ba deserving? haha.. salamat sa pagpunta ha? sbi ni lani.. ndi na daw dpt bitter, better na.. dba?! at least u have a job waiting na nho…. sad nga lang tlg, ala kayo.. oh well. bsta… God bless sa career mo! salamat ult.
December 2nd, 2006 at 4:52 pm
Skwayred: Tama ka. May karapatan tayong maging bitter kahit mukhang masama ang ugali mo kung bitter ka.
Jong: Matigas yata yung ‘G’ ng keyboard mo.
Jeeper: Enjoy ko din muna ang undergrad status. Para pag may work na sa January, pwede na din ako magyabang… “Guys…leave muna ako bukas…gagradweyt lang sandali…”
CJ: Salamat sa party! Dami ko na-realize! Haha..