Archive for November, 2006

Graduation ka [sana] ngayon…

Posted in Events, About Me, School on November 29th, 2006

November 29. The day I was looking forward to before the series of unfortunate events happened. Siguro by this very moment, tinatawag na sana ang name ko sa PICC. Pero hindi e. Eto ako. Nagdadrama sa bahay. Iniimagine ko na lang na sana nandun ako. And to think na nagmamartsa ngayon ang ilang undeserving graduates*? Lalong nakakaasar. Dapat nga matutulog na lang ako o kaya manonood ng Happy Feet kaya lang wala akong pera kaya nag sound trip na lang ako. Pinatugtog ko yung graduation march! Hehe…
At sino ba ang hindi maasar pag eto pa ang dadatnan mo sa YM?

Okay sana tong classmate kong ito e. Alam ko naman deserve nya grumadweyt. Pero i-broadcast daw ba? Tapos pag tingin ko sa avatar nya, naka dirty finger pa? Nakakaasar na nga, nangasar pa. Sino ba ang ineexpect nyang makakabasa nyan? E lahat ng graduates nasa PICC ngayun? Nangaasar ba yan talaga or sobrang proud lang? Sinayang lang nya kuryente sa bahay nila kung iiwan nya lang ang PC nya habang gumradwyet lang sya saglit.

Hay…congratulations na lang sa kanila. Pasalamat sila wala pa si bagyong Reming para i-ruin ang araw na ‘to (katulad na pagru-ruin ni Milenyo sa thesis at graduation ko…). Ga-graduate din ako. Makikita nyo…hehe…

============================
* Yung mga grumadweyt na undeserving:

  • nagpagawa ng thesis
  • gumawa ng thesis 2-3 weeks before submission
  • may kagrupong masipag at magaling

Harry Potter Fever

Posted in Books, Movies on November 21st, 2006

This past few weeks, I’ve been under the Harry Potter fever. I’ve decided to read the fifth Potter book before the movie trailer comes out. But then, I become fully immersed (again) in Rowling’s world that I’ve finished the book before the deadline that I have set. I thought I’m gonna finish it 20 days given that I’m reading the book…an e-book actually…in the computer. Surprisingly, I finished it in 5 days and got to move on to the next book: The Half-Blood Prince.


Imelda Staunton as Prof. Dolores Umbridge
Helena Bonham Carter as Bellatrix Lestrange

Read more »

Tiamy Reloaded

Posted in About Me on November 20th, 2006

Siguro naman babalik na sa normal ang buhay ko after that disappointing thesis thing na yan. Ang tamad tamad ko na ngayon. Parang ayoko pa magtrabaho kahit gusto ko magkapera kasi feeling ko parang ang dami ko pang dapat gawin para makabawi. Parang gusto ko ngang magtrabaho sa January na para mas maganda. Ayus ang timing kasi start of the year. Isa pa, gusto i-spend yung last month of the year kasama tatay ko kasi sa January, aalis na naman siya papuntang Saudi. Wala kasi syang kasama sa bahay kasi may pasok ang lahat dito sa amin.

Ayan may entry na uli ako. Sana makapag-update na ako regularly at makapag-bloghop uli. May gana na uli ako… hehe….