Email OC
Everytime na mag-o-online ako, I always check my email. And I’m sure, lahat naman eh email ang inuunang buksan unless na wala kang email account or mag-o-online games ka lang or Friendster.
Pero ako, I always want my email to be free of ‘unread’ messages. Kahit sa bulk mail gusto ko laging empty yun. I always check my Bulk mail before emptying it kasi baka may nakalusot na legitimate mail. Kaya kahit 100 a day ang spam mails ko, ok lang yun.
Marami ako nakikitang ganun kadami ang inbox e. Libo-libo. Nangangati ako na parang gusto kong burahin lahat. Naguguluhan kasi ako kapag may unread mail e. Parang ang dami kong gagawin. Alam mo yun? Nakaka-stress tingnan. Ang panget. Kumbaga sa snail mail, parang santambak ang mga sobre sa desk mo.
Ewan ko ba…
July 14th, 2006 at 6:38 am
Maguguglat ka sa inbox ko. Sa gmail 779, sa Yahoo, 1137 (wala pa dyan ‘yung bulk). Tinatamad kasi akong buksan ‘yung mga di importante. Karamihan d’yan chain letters at newsletters.
Di ko kaya ‘yang ginagawa mo. Disorganized kasi ako parati eh, pag nasimulan ko nang magulo, magulo na forever, unless na mag-general cleaning ako dito sa cyberworld/computer. Pati desktop ko magulo. Pero kahit magulo, alam ko kung asan nakalagay ‘yung mga files na kelangan ko. :>
July 14th, 2006 at 12:48 pm
i too have over a thousand of email but mostly coming from subscription to jobstreet and jobsdb… everyday they send an email but i can’t cope opening them…
most of the time, i open my blog first coz i consider it more of my self… mas ok nga yang ginagawa mo coz who knows, baka nga merong magandang balita… 
July 14th, 2006 at 4:28 pm
ako i marked them as read na lang, pero ung mga d ko talaga type eh delete agad. ang purpose ko naman eh baka makatulong ung ibang newsletters kadalasa kasi techy from sitepoint and webpronews. Meron din from jobstreet. Pero hindi ko binubura ung sa spam, bahala sila hehe. sa gmail and own email account eh nakaPOP3 sa outlook para minsanan na lang.. hehe mas organize pa.
July 14th, 2006 at 6:43 pm
Gmail na primary email account ko. Gusto ko organized lahat kaya andami kong Labels. Right now, marami pa kong unread mail pero wala sa Inbox. Nasa kanya-kanyang labels sila para maayos.
Yung Yahoo email, minsan ko na lang i-check. Hindi ko na rin naman ginagamit. I move all the Bulk Mail emails to a separate folder named “My Bulk”. Bakit? Gusto kung i-try mapuno yung Yahoo account ko. I move them to another folder para ma-count yung size nila sa storage quota. Wala lang…
I never read emails in the Bulk/Spam folder. Kung may legitimate email man na napunta dun, di ko na problema yun. I have no time para isa-isahin yun. I hate Gmail for not having an “Empty Spam folder” link like sa Yahoo.
July 16th, 2006 at 12:50 am
control freak ka. he he!
July 16th, 2006 at 10:31 am
Medyo obsessed din ako sa inbox ko. Kaya na-inlove ako sa Gmail, super asteeg sa Yahoo mail. Stroke of a genius yung label schemes nila sa Gmail, super convenient at kahit may unread message ako, labelan ko lang ng ‘Balikan Mo’ or ‘To be read’ kapag wala nang time para magbasa.
Madali na ring magbura ng spam messages sa Gmail, may link sa taas ng spam section na ‘erase all messages under spam’ katumbas nito ang “Empty Spam Folder” sa Yahoo mail. Mas maganda mas mabilis, mas organised talaga ang Gmail. It rocks!
July 16th, 2006 at 11:09 am
Before bago ako magtrabaho, I have 6 active email accounts that I religiously open everyday. Pero mula nang magtrabaho yung 4 na lang ang nabubuksan ko nang madalas kasi minsan may email ako na gusto i-publish yung tula ko, di ko na-replyan agad. Ayun di nasali kasi di ako umabot sa deadline.
Pag di ako nag-che-check umaabot nang matagal bago matapos ako matapos magbasa kasi mahalaga sa akin yung mga messages ko.
Tulad ngayon, one week ako di online, isang oras mahigit bago ako matapos magbasa ng mail.
July 17th, 2006 at 1:46 am
To all: Halos lahat pala kayo Gmail na ang gamit. May isa akong Gmail account pero hindi ko masyadong ginagamit. Puro spam pa lang ang pumapasok. Sanay pa rin ako sa Yahoo kasi ginagamit ko din yung ibang services nila such as Groups and Messenger. Yung Google Talk nga hindi ko magamit kasi wala akong kakilala na gumagamit nun e.
Skwayred: Piling-pili naman mga newsletters ko e. Pag hindi ko na type, ina-unsubscribe ko. Magulo lang ang desktop ko kapag marming ginagawa. Pero pag tapos na, clean up agad. May folder nga ako na “Temp Folder” sa desktop para dun ko itambak yung mga kalat ko na hindi dapat ilagay sa Recycle bin.
Gbert: Yeah…I was hoping of good news mula sa mga companies na in-apply-an ko. Pangalawa ko lang check ang blog.
Jong: Kainis kasi yung Yahoo, premium service ang POP3! Wla pa akong subsciption sa Jobstreet. Di ko pa type e.
Little Wolf: Ayus ah. May sarili ka pang Bulk Folder. Ako nga din…Hehe..,Kadalasan, pumapasok sa bulk yung mga email from websites upon registration. Yung mga may confirmation link….
Jhay: Yeah…Gmail rocks! Pero hindi ko pa rin maiwan ang Yahoo ko…kung pwede lang sila pagisahin e..
Jeeper: Yan ang hirap sa maraming accounts…nakakasira ng ulo. Pero ba’t ang dami mong accounts? Ano differences nun?
July 19th, 2006 at 1:37 pm
^isang general, formal, informal, kalokohan, isa pang spam (groups, notification, newsletters) yata tapos yung iba pinanhinayangan ko na mag-expire. Yung isa pa para sa super secret identity ko.