Sick

Last Friday, nag-overnight swimming kami sa may bandang San Mateo, Rizal. Sa totoo lang, iba ang paalam ko sa nanay ko. Sinabi ko na lang na may despedida party ang classmate kong magma-migrate sa Canada. Sigurado kasing hindi ako papayagan nun kapag nalaman nyang swimming ang pupuntahan ko e. Masyado kasing matatakutin ang nanay ko e. Graduating pa naman ako this year (hopefully). Madalas kasi nababalitaan sa TV yung mga graduating students na nalulunod sa mga swimming di ba? Dun naman sa case namin, pool lang naman yun. Ang tanga ko naman kung nalunod pa ako. Hindi naman beach yun para tangayin ako ng alon.

Pag-uwi ko sa bahay, nalaman kong naputulan kami ni phone. Nakalimutan kasi ni mama magbayad. Hindi naman physically naputulan pero disabled ang utgoing at incoming calls.

Kinabukasan, Sunday, nilagnat ako at sinipon. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa swimming, sa bad weather o dahil hindi ako nakapag-Internet buong Sabado o dahil sa thought na hindi ako makakapag-online in the next few days.

Sa wakas…may phone uli kami. Parang ang tagal-tagal ko nawala. Ayan nag-ayos uli ako ng blog. Naglagay pa ako ng Keys Me ni Alyssa Alano sa sidebar. Heheh…

5 Responses to “Sick”

  1. skwayred Says:

    Ang dami talagang nagkakasakit ngayon. Pati sa mga classmates ko. :> (Nakakatawa ‘yang Keys Me, laughtrip)

  2. gbert Says:

    hahaha adik makapg-online… ako din, i’d end up in bed siguro if walang online lalo na kung bummer lang din sa bahay… :)

  3. jong Says:

    argh magkakasakit ako talaga kapag walang net. or magpupunta talaga ako ng shop, katulad ng gawain ko dati..

    woot masaya naman ang swimming lalo na ang videoke. haha alam mo ba eh pagdating ko ng bahay eh tulog agad ako tapos mga 11am eh nagtxt barkada ko labas daw kami hehe.. pero 5 na ako umalis ng bahay nagtagaytay kami.. super lamig haha… buti hindi ako nagkasakit

  4. Little Wolf Says:

    ah.. kaya pala. akala ko kung ano na nangyari sayo.. it’s not like you kasi not to update your blog. Mas masipag ka pa sa akin. :D

  5. tiamy Says:

    Skwayred: Napanood ko sa WIsh Ko Lang yung revised Keys Me ni Alyssa Alano…Naayus na yung proununciation. kakatuwa…

    Gbert: Sumasakit nga lagi likod e. Lagi kasing naka-slouch..

    Jong: Lakas ng resistensya mo ha. Nakuha mo pang magTagaytay kahit umuulan?

    Little Wolf: Busy-busyhan uli ako dahil kelangan tapusin ang thesis.. :D

Leave a Reply