End Credits Phenomenon

Naaasar ako kasi hindi ko pa napapanood ang Superman Returns. Wala kasi akong kasama, time at pera. So tatanga na lang ba ako? Bahala na. Maganda sanang time manood sa mismong araw ng laban ni Pacquiao at Larios kasi walang masyadong tao sa labas. Walang traffic. Walang ding jeep kasi nakatutok lahat sa TV. Hehehe..

Speaking of the fight…Parang masyadong kampante ang mga Pinoy na mananalo si Manny. May schedule na nga yung victory party para kay Pacman sa Channel 2 e. Parang may under-the-table agreement na dapat manalo si Pacquiao.

Anyway, hindi naman yun ang topic ko. Gusto ko lang i-verify sa inyo kung meron kayong nararamdamang kakaiba when watching the end credits of a film. Kasi ako, lalo sa DVD/VCD, pina-fast forward ko lagi hanggang sa dulo kasi minsan may extra scene pa after the credits.
So pag lumabas na yung listahan ng mga soundtrack or company logos like the one below, pine-play ko na.

Credits

Di ba after mag-scroll ng credits, yung huling line ay humihinto sa gitna ng screen? Usually “Distributed by ” Copyright 200x.” Pag pinakita na yung last line, di ba parang bumababa yung buong screen? Minsan pa nga parang yung buong TV e. Parang nagalaw lang sya kahit naka-stop naman sa gitna yung line.

Wala lang. Try nyo lang. Akala ko kasi ako lang yun e. Pina-try ko din sa mga kapatid ko to. Nung una, ayaw nila maniwala. Pero in the end, napaniwala ko sila. Heheh.. Weirdo ko..

10 Responses to “End Credits Phenomenon”

  1. jong Says:

    weirdo ka.. geek! haha

  2. skwayred Says:

    Di ko ata napapansin ‘yon. Try ko nga pansinin. :D

  3. Little Wolf Says:

    talaga? tingnan ko nga rin.. :D

    kapapanood ko lang ulit ng Superman. sa G4 naman.. marami pa rin tao eh. but then 7:15pm na kasi yung screening. I prefer ABS over GMA pero I’m just not that interested about this fight. yup! parang there’s something fishy… Mga Lopez talaga! hahah!

  4. jeeper Says:

    ako rin titingin.

  5. matt13 Says:

    may diperensya lang yung mata mo…

  6. tiamy Says:

    To everyone: Sabihin nyo sa aking ang findings nyo ha..

    Matt: Cge libre mo ako. Hehe..Try mo din. Alam ko parehas tayu may diperensya sa mata e…

  7. jane Says:

    nanood nako ng Superman…nag antay ng credits, kami na nga lang ni hubby natira dahil nag alisan na, 3am na natapos ang movie eh…oo nga, tama ka tiamy!

  8. tiamy Says:

    @Jane: Yey! “Proven effective!” May nauto na naman ako…hehe..joke!

  9. Little Wolf Says:

    Sa Superman Returns ba o sa kahit anong dibidi? Hindi ko pa na-try eh.. :D

  10. tiamy Says:

    ^ Sa mga DVD dapat. Try mo rin i-pause habang nagra-run yung credits. :D

Leave a Reply