Cute pala ako…dati…

Lately, nag-browse ako ng mga old pictures ko. Tiningnan ko yung baby photos ko at marami rin akong nakitang pictures nung mga 10 years old and below pa lang ako. Ang cute ko pala dati.

So, nagtaka ako. Bakit ngayon hindi na? Haha… Totoo yata yung kasabihan na kapag cute ka noong bata, panget ka na pag lumaki.

Living proof ang mga child stars noon na sina Nino Muhlach, Matet at Aiza Seguerra. Samantalang yung mga panget noong bata, kapag lumaki ay nagiging cute. Pero wala akong kilalang artista na panget dati, gumanda ngayon kasi hindi pa yata uso noon ang mga pangit na artista.

Marami rin kasing factors kung baket nag-iiba itsura natin e. Kasama na dyan siguro ang evolution. Not in the sense of “evolution” ha. Dati kasi, mahilig yata ako mangulangot kaya lumaki siguro butas ng ilong ko. Hahah… :) Kasama na rin pala dito ang pimples. Na-insecure nga ako sa younger version ko kasi wala pa syang pimples e.

Ang totoo nyan, kaya ko na bring-up ang topic na’to kasi nakakatuwang tingnan yung itsura natin when we were still young and innocent. Wala pang malisya. And when I look at myself now, parang gusto ko bata uli ako…yung walang alam. Yung musmos at mukhang busabos. Kasi di ba pag may malisya ka na, parang spoiled na yung personality mo. Hindi ka na pure.

Kaso wala na…hindi na tayo pwede bumalik sa ganyang edad….

13 Responses to “Cute pala ako…dati…”

  1. jong Says:

    haha.. matanda ka na kasi.. dapat senior citizen na bayad mo sa jeep.. hehe

    Hmm.. bakit ako di na cute ng bata di parin cute ngayon.. bwahaha,,,

  2. Little Wolf Says:

    oo nga.. ang layo na nung pic mo dun sa Profile at sa mga pic mo dito. Wala man lang resemblance… ehehe! peace! :D

  3. skwayred Says:

    Oo, nga no. Haha, ibang-iba itsura mo. *points at gollum pic* No, seriously, iba nga. Parang di ikaw. :p

    May gano’n talaga ‘no sobrang laki ng iniba nu’ng itsura nila pag tumatanda sila. Di gaya ni Drew Barrymore. Sobrang kung ano itsura nya nu’ng bata s’ya, gano’n pa din hanggang ngayon, parang ni-resize lang s’ya. Nyahaha. :p

    Pero kung ako tatanungin mas gusto ko itsura ko ngayong lumaki na ‘ko. Cute ako nu’ng sobrang bata pa ako (1-9). Nu’ng mga puberty years ko (10-15), ang pangit ko talaga. Then um-okay na naman ulit ngayon. Labo nga e.

  4. tiamy Says:

    Jong: Palibhasa sa Dec. 31 ka pa magiging 20…hehe

    Little Wolf: Sabi ko na nga ba dapat ibahin ko yung picture ni Gollum e..dapat si Dobby naman..

    Skwayred: Oo nga e. Sana ni-re-resize na lang tau. Kaso ako nung ni-resize, naging pixelated e. Buti ka pa nagshishift ang image mo. Baka umiikot lang. Sa next 5 years pangit ka uli..hehe

  5. jeeper Says:

    parang noong tiningan ko yung yearbook namin nung kinder. Lahat kami (halos) cute, ngayon…. uhh… marami nang di cute.

  6. gbertâ„¢ Says:

    at least may picture kang natitingnan nagyon, ako wala ni isa… i wonder kung ano hitsura ko noon… hmm?

  7. jong Says:

    alvin.. scan mo yong pic ko nung bata ako ihihih para mapost ko rin…

  8. tiamy Says:

    jeeper: wala akon yearbook nung kinder. sayang. pero hindi ko naman mahagilap mga classmate ko noon kaya hindi ko rin ma-compare.

    gbert: Ni isa? Aayyy..maswerte nga yung mga bata ngayun e. Ang daming digital camera at cellphone ang naglipana para ma-picturean sila..

    jong: dalhin mo bukas…

  9. jane Says:

    lahat naman ata tayo cute nung bata pa kasi hindi pa polluted ang mga utak kaya we exude endearment, innocent pa eh :) hindi bale Tiamzy, beauty is in the eyes of the beholder. i’m sure cute na cute ka pa rin ngayon sa parents mo :)

  10. jane Says:

    pahabol lang….belated happy birthday!

  11. rHo Says:

    hmmm…. and then, pag ba pangit ka nung bata maganda na pag tumanda??!! hehehe… nye!! d bale… wala naman yan sa hitsura eh! anak ka pa rin ni Lord!! *winks*

    belated happy birthday….

  12. tiamy Says:

    Jane: Salamat sa ‘yong greeting. Sana marami akong parents para maraming ma-cute-an sa akin…Joke lang…hehe

    Rho: Tama ka. Anak pa rin ako ni Lord…:)

  13. greencraeon Says:

    hehe.. nice pics.. wow namn.. harhar!! cute ka namn pla eh.. Nung bata ka pa..harhar!! mahilig din ako magbrowse ng pics.. naku pare… parehas lang pala tayo ng sitwasyon!!!hehehe!!

Leave a Reply