Manila is now Hi-Res in Google Earth!
Google has finally updated their database and put Metro Manila in high resolution! Haaay! Sa wakas, makikita ko na ang bahay namin!
I can finally see our house. Last June 9 pa pala in-update kaya pala ang daming Pinoys ang nagpopost sa BBS Keyhole forums for Manila landmarks. Akala ko nakakakita sila ng landmarks kahit low-resolution ang pics ayun pala na-update na. Yehey!
I think the whole Metro Manila is covered plus parts of Laguna, Cavite, Bulacan ang Rizal. Angeles, Cebu, Legazpi, Davao etc etc…
Ang problema, Ayala Avenue / Makati CBD is covered with clouds! Nakupo! Of all places naman! Kung ano pa ang center ng civilization sa Pilipinas ayun pa ang natakpan. Medyo madilim din sa bandang Manila City Hall. Sana i-update uli nila yun para konti na lang ang clouds.
By the way, I’ve captured some images/screenshots for all the people to see:
[Flash format, 390KB]
LEGEND:
(1) Our house: St. Dominic Street! Ang liit lang ng bahay namin…hehe. Sayang hindi ako nakitang nagsasampay ng damit sa likod.
(2) Mapua Makati: Buti na lang ang hindi natabunan ng mga ulap…
(3) Alabang: Festival Mall in particular.
(4) The Ayala Center: Glorietta, Landmark, SM Makati + MRT-Ayala Station (below-right)
(5) Alabang Town Center
(6) De La Salle University - Taft: Rizal Stadium yung nasa likod(?)
(7) Makati Avenue: Ang madalas kainan ng barkada. Hindi yata ma-traffic?
(8) PUP-Sta. Mesa: School ng ate ko dati. Hehe. Pa-”Y” shape.
(9) PAREF-Southridge: Dito ako nag-high-school
(10) Ayala Avenue: Whaaa! Kung ano yung mahalagang part ng Makati, ayun pa yung wala!
(11) “The Philippines” in the Philippines: Remember the replica of the Philippine Islands at Luneta Park? Galing no?
June 17th, 2006 at 7:31 am
Ayos! Na-identify mo lahat ha.. galing!
Eto yata sinama ng Google dun sa birthday ng Google Earth.. special naman natin!
Hindi ko na kasi ito pinansin dahil hindi kinakaya ng dialup ko. heheh! may maganda palang update. mahanap nga bahay namin mamaya.
pero sana lang walang ma-epal na ulap dito samin…
June 17th, 2006 at 8:17 am
matagal ko naring nababasa kaya lang d talaga kaya ng dial up.. bwahaha… kelangan na talagang magbroadband..
June 17th, 2006 at 10:14 am
ganda ng pup kapag bird’s eye view! puro puno. yung kulay blue olympic size swimming pool namin na minsan lang magamit. katabi nun ‘yung gym. oval naman yung malaking oval-shaped na something. la lang
June 17th, 2006 at 6:46 pm
Little Wolf: Actually, hindi mag-Google Earth ang balak ko kahapon, kaya lang na-update na pala kaya puro GE na lang ginawa ko. Ubos prepaod card ko tuloy…Post mo rin pic ng bahay nyo…hehe
Jong: Kaya yan sa dial-up. Tsagain mo lang…
Karlo: Cute nga e. Kaya ko pinost. Sayang nga lang medyo dark yung ibang part dahil sa ulap…
June 18th, 2006 at 7:28 pm
Ayos nga nasa Google Earth na ang Manila, sana isama na rin nila ang Cavite at iba pang lugar sa Pinas, di ko makita yung bahay namin sa Laguna at Cavite, panay ulap lang nakikita ko kahit naka zoom in na.
June 20th, 2006 at 9:48 am
Ang galing naman!
June 20th, 2006 at 10:49 pm
Sayang inalis ko ‘yung Google Earth ko dito, ang laki kasi ng size eh.
Astig ‘yan, sana mas luminaw pa para puwede makita ‘yung mga naglalakad na tao. Malay mo ma-spotan kita.