Advertising Techniques
Dati, I made a post about shampoo commercials. Kasi ba naman, parang 40% ng airtime napupunta sa shampoo commercials. Parang puro buhok na lang inaatupag ng mga babae.
Yung Rexona parang responsibility na nila na magkaroon ng theme song every first day of school. Dati, yung First Dat Funk ng Parokya ni Edgar at ngayon naman yung First Day High ng Kamikazee. Tuwing nakikita ng kapatid ko yung commercial na yun lalo na yung lyrics na “Nasasabik sa unang araw ng eskwela,” lalo lang sya naasar dahil naaalala lang nya lalo na malapit na syang pumasok sa school. Hence, isang school year na naman ng kalbaryo. Sa totoo lang, ang nasasabik lang pumasok ay yung mga estudyante na pumapasok lang para either pumorma, magka-allowance, makita ang crush, maglaro ng DOTA atbp. Pero sa mga tulad ko na binibigyan ng importance ang studies (naks!)..hindi applicable ang kantang yan. Sana next year gumawa ang Rexona ng kantang sumasalamin sa totoong nararamdaman ng mga ordinaryong estudyante…
Speaking of pasukan, sandamukal na rin ang mga ads ng iba’t ibang college at university sa dyaryo. Pero pagdating sa TV ads, dominante ang STI, AMA at ACSAT. Bakit puro IT Schools? Ganun ba sila kadesperado na makakuha ng studyante? Wala ba nageenrol sa kanila? Bakit ang laki nila gumastos sa advertising. Kumukha pa sila ng artistang endorser. Look at Iya Villania. Hindi naman sya taga-ACSAT pero yun yung ineendorse nya.
Tapos every contest, hindi nawawala ang AMA at STI sa pamimigay ng scholarship grants sa mga 1st prize winners. Sinasamantala nila. Pati yung mga nabibiyayaan sa Wish Ko Lang, may scholarship grant from STI or AMA e. Pati yung napanood kong Ms. Makati e. Meron pang award na Ms. STI e. Ano kaya yun? Basta lang makapag-promote…kahit anong contest present sila…
June 5th, 2006 at 12:35 am
wehehe kanya kanyang trip yan. dapat iblog ko rin ito eh hehe
June 8th, 2006 at 11:23 pm
Nakakasar ‘yung Nice Guy ba ‘yon? Du’n sa Rexona ad. I mean, ano ‘yun? Ba’t sila nag-raise ng hand? Labo. Kasi ‘yung Brainy, nagre-recite, ‘yung Sosy, pa-sosy ‘yung kamay, ‘yung Varsity, parang victory gesture, ‘yung Punk, parang rocker ‘yung symbol nu’ng hand. Pero pagdating du’n sa Nice group, ewan ko kung ano ‘yun. :/
Sa schools, siguro walang nage-enroll tsaka para mag mukhang hi-tech/may edge, kung ano-anong mga sinasabi nilang services or facilities na meron sila (pero sabi nu’ng iba kong kakilala sa AMA/STI wala naman talagang gano’n sa school nila), may E2E (education to employment) pa nga e, I doubt it kung totoo.
June 9th, 2006 at 11:24 am
ako.. matagal na kong bwisit dyan sa mga IT school commercials na yan. whole year round meron yata nyan hindi lang tuwing malapit na June. I don’t think our school will stoop down to that level of kababawan kaya buti na lang dun tayo.. hehe!
yung scholarships, naku.. yung mga PBB teens eh lahat meron nyan from AMA. nakakatuwa nga kasi hindi naman talaga nila gusto dun kaya hindi rin nila gagamitin (except for one of them kasi mahirap talaga sya).
June 9th, 2006 at 11:19 pm
Skwayred: Hindi ko pa napapansin yung “Nice guy” na yun..Titingnan ko nga din…Oo nga…yung E2E…hindi din ako naniniwla dun. Sabi ko na nga ba e. Drawing lang STI at AMA e..
Little Wolf: Ang tingin ko nga sa isang poster ng school natin sa lobby ay “If you have big dreams, NOT here”. Haha..joke lang…Napamahal na ako sa Mapua..
Magulat ka kung si Mikee ng PBB pinili ang AMA scholarship over Ateneo..
June 15th, 2006 at 8:31 pm
Nakita mo na yung bagong commercial ng Head and Shoulders, yung mahaba? Kadiri.
June 16th, 2006 at 3:41 am
ei! na-gets ko na yung Nice Guy dun sa Rexona commercial. hindi lang yun basta nagtaas ng kamay.. ginagawa rin nila yung “peace” sign. look closely na lang. nakita ko kasi yung full music video sa MTV… hehe!
anyway, sana nga may Geek High na sinama para maka-relate..