Bloopers from the suking tindahan etc.

So far, eto pa lang ang naalala ko:

  • Pinabili namin yung kapatid ko ng food color na “egg yellow” para sa ginagawa naming leche flan. Binigay sa kanya ng tindera, isang itlog at isang yelo.
  • May entrance fee yung resort na pinuntahan namin sa Bicol ng P50 per head. Sampu kaming papasok. 50 x 10. Kinalculator pa nung babae yung amount bago sabihin sa amin kung magkano.
  • Nagpa-Smart E-Load yung kapatid ko worth P30. Binigyan sya ng 6 pieces ng “Pillows” worth 5 pesos each.
  • Bumibili ako ng 1/4 pack ng longganisa. Anim yata ang laman. Bumalik yung tindera na hawak-hawak yung 1/4 pack ng longganisa at tinanong ako ng ale kung ilan kukunin ko. Sabi ko “isa”. Akala ko ibibigay na nya sa akin yung pack na hawak nya pero umalis pa sya. Pagbalik nya, sabi nya sa akin may hawak syang isang piraso ng longganisa. “Hindi daw pwede isa…” Grrr…
  • Most of the time, pumupunta tayo ng tindahan para bumili. And yet, may pumupunta pa sa tindahan at nagsasabi ng “Pabili nga…” Bakit hindi na lang sabihin ng “Isa nga pong blah blah…”
  • “7+2″ kinalculator pa.
  • Bumili ako ng worth P20…sinuklian ako ng dalawang 10-peso coin.
  • 5 Responses to “Bloopers from the suking tindahan etc.”

    1. jong Says:

      wahaha…

    2. Little Wolf Says:

      ayos ha.. nakakatuwa naman yung sa longganisa. pasaway yung manang.. haha!

      naiinis din ako dun sa mga nagka-calculator pa kahit hindi na kelangan.. simpleng addition na nga lang! ang pilipino nga naman talaga…

    3. skwayred Says:

      Onga may point ka. Nakakaasar nga ‘yung mga gan’yang tindera, di mo alam kung bingi ba o ano. At dyusme, 7+2 gumamit pa ng calculator. Baka naman absent-minded at mechanical ‘yung ginawa n’yang pag-add ng 7+2 sa sa calcu. Hehe. ;)

    4. tiamy Says:

      Jong: Wehehe…

      Little Wolf: Yung babae nga sa CD-R King…napahanga ako nung nakita ko na hindi na nya kinalcu yung 7 x 7 e. Ang sama ko no?

      Skwayred: Masyado siguro syang naging dependent sa mga machines kaya kahit simpleng addition inasa sa calcu…

    5. Little Wolf Says:

      haha! sa cd-r king din yun sa akin eh.. talagang nag-calcu pa nung bumili ako ng 2 pirasong cd.

    Leave a Reply