Won’t see DVC on its opening day

After our “graduation” from Accenture Education Program (OJT), we hang out at Absynth. Nag-inuman, nagparty etc. Sila sumayaw. Ako hindi. I don’t see myself dancing. Hindi ko nga mainitindihan kung ano ang masaya sa pagsasayaw e. Kaya sinimot ko na lang ang Red Horse at San Mig Light sa table kaya for the first time in my life, nalasing ako. Ganun pala ang feeling ng nalalasing. Mapapasuray-suray ka talaga sa kalye. Malapit-lapit na nga ako mag-vomit sa bus, but I configured my brain in such a way na dapat sa bahay na ako susuka. Kaya tinulog ko na lang. Buti na lang nakauwi ako ng maayos. Actually, nagda-doubt pa rin ngayon ako kung buhay pa ako o hinde e. Baka nasagasaan na pala ako, hindi ko pala alam na patay na ako tapos nagbla-blog pa ako dito. Anyway, pagdating ko sa bahay, surpisingly 1/4 cup lang ng vomit ang naproduce ko and then I feel much better. And then after 3 hrs of sleep, May 18 na!! Da Vinci Code Day na!

The Da Vinci Code IS the most anticipated film of the year…at least for me. And of course, when you consider a film like this, you have to make sure that you are going to see it on its first day of release. And being a movie buff, I’m willing to give up my life just to see (haha ang drama)I have to make sure that I’m going to see this movie on May 18.Nagpaalam ako sa nanay ko na manonood ako after my last Practicum day at Accenture (weird no? nauna pa graduation). Knowing na sa Friday ay may pre-employment exam ako sa Accenture, she didn’t allow me to see it today! I need to rest daw. At syempre, nag-object ako. Masyado daw ako excited. Anung excited? Actually excited na excited na talaga ako. Hindi nya lang alam kung gaano ako ka-passionate sa movie na ‘to. Hindi naman obvious sa theme ng blog di ba? I’ve waited for months just for this very day and now ganun na lang? Sasabihin sa akin, bukas na lang? Sinong hindi maasar dun? Mabuti sana kung na set-up ko na sa utak ko months earlier na sa 2nd day na ako manonood. Kaso, on the same day kasi e. Kaya medyo nagtampo ako. Tapos sinabi pa nya sa akin na dahil lang sa pelikula, hindi na daw ako sumusunod sa kanya. At sino naman nagsabi sa kanya na hindi ako sumusunod sa kanya? I know that in the end, susunod pa rin ako sa kanya. She’s my mother. May concern sya sakin. Actually, nagpupumilit lang ako. Wala naman akong sinabi na “Bahala ka. Gusto ko ngayon na.”, ang sabi ko lang naman “Eehh..ngayon na lang…” with matching tantrums pa yun. Pero para sabihin na dahil sa Da Vinci Code, sinusuway ko na sya? Para na nya sinabi na dahil lang sa remote control ng TV, lumayas na ako ng bahay.

Ahh..ganito yata talaga pag movie buff. Pero okay na ako…kalmado na. Na-accept ko na. Kunsabagay, lumiit na ang expectation ko sa film dahil as of this moment, The Da Vinci Code has scored a very disappointing 06% at RottenTomatoes. 1 postive review and 15 negative reviews. Siguro hindi na “WOW…Blockbuster perfection. A gleefully erudite suspense movie” ang bungad ko sa movie review ko. (Hehe..gaya-gaya sa cover ng book).

4 Responses to “Won’t see DVC on its opening day”

  1. skwayred Says:

    Di pa ako nalalasing. Nahihilo lang tapos pansin ko medyo kumakapal mukha ko. Weird nga ng feeling eh. :D

    Ako din bukas ko pa mapapanood! Excited na din ako. Ang baba nga ng review n’ya sa Rotten Tomatoes. Huhu. Wala daw kasing chemistry si Audrey at Tom Hanks. Arrgh, gusto ko na talagang mapanood para ako na ang maka-judge kung maganda ba o hindi. Ayos lang ‘yan isang araw lang naman eh. May mga libong katao lang naman sa Pilipinas ang mauuna sa’yong makanood ng DVC. Hahahehe.

    Intayin ko review mo.

  2. tiamy Says:

    skwayred: Masyado nga daw faithful e. Karamihan kasi ng super faithful to the source na movie ay pangit. Parang HP2…na-boringan ako.
    May ilang libong tao nga…pero 1% nun, classmates ko na siguradong bibigyan ako ng spoilers…as if meron pang mai-ispoil?

  3. jong Says:

    hay… kelan ko kaya mapapanood. sana bukas na!! soon!! hehe

    hoi lasinggero ka na.. tinalo mo na ako. haha hay buti pa kayo tapos na ang ojt.. kami eh mag 3rd week pa lang.. hay…

  4. jong Says:

    by the way… kapus ang background mo na gray.. ang haba ng sidebar mo.. adjust mo…

Leave a Reply