OJT KO NA!
So, ako’y magsisimula nang mag-OJT sa Accenture. Opo. Sa Accenture. Yung company na may greater than symbol sa letter “T”. Ni hindi nga ako makapaniwala na dun ako mag-o-OJT. Nagpasa lang kami ng resume at konting fill-up ng forms, after one week, scheduled na kami for a medical exam na sagot naman ng company. Ibig sabihin, wala nang tests na mahirap at interview. Ba’t naman ganun? Parang ang dali naman. Swerte lang kaya ito o may kapalit na hirap? Ewan. Basta pasalamat na lang ako sa Diyos at pagbutihin ko na lang ang training. Sa .NET class pala ako na-assign samantalang Java ang specialization ko. Wala nga akong alam sa .NET e. Yung iba naman sa COBOL. Malay mo, mag-excel ako dito at kunin na nila agad ako for employment! Hahaha..Asa…Why not?
Sa ngayon, “under treatment” pa rin ako dahil may nakitang tigang na tutuli sa dalawang tenga ko. Ipapaalis ko pa. Ganun pala yun. Mas nakakasama pala mag cotton buds dahil lalong nasisiksik sa tenga yung mga dumi. Kaya pala bingi ako minsan e.