OJT KO NA!

Masyado na akong naaalarma dahil 2 weeks nanaman akong walang bagong entry. Kundi lang ako ni-tag, hindi ako makokonsesyang mag-update. Hindi na nga rin ako nakakapagbloghop e.Ano nga bang meron? Gusto ko na talagang lumipat sa Wordpress blog ko kaya lang mahirap mag-export sa blogdrive.Dahil ngayon ay Holy Week, gusto kong magsulat ng tungkol sa religion, morality, doctrines and stuff. Pero next time na lang. Hehe…Ang entry na ito ay wala lang. Gusto ko lang sabihin sa lahat na next week, magsisimula na ang climax ng college life ko. Kumbaga sa movie, eto na yung best part (?). OJT na nga….may thesis pa…Pero di bale, mararating ko na ang ending…Weheheh…

So, ako’y magsisimula nang mag-OJT sa Accenture. Opo. Sa Accenture. Yung company na may greater than symbol sa letter “T”. Ni hindi nga ako makapaniwala na dun ako mag-o-OJT. Nagpasa lang kami ng resume at konting fill-up ng forms, after one week, scheduled na kami for a medical exam na sagot naman ng company. Ibig sabihin, wala nang tests na mahirap at interview. Ba’t naman ganun? Parang ang dali naman. Swerte lang kaya ito o may kapalit na hirap? Ewan. Basta pasalamat na lang ako sa Diyos at pagbutihin ko na lang ang training. Sa .NET class pala ako na-assign samantalang Java ang specialization ko. Wala nga akong alam sa .NET e. Yung iba naman sa COBOL. Malay mo, mag-excel ako dito at kunin na nila agad ako for employment! Hahaha..Asa…Why not?

Sa ngayon, “under treatment” pa rin ako dahil may nakitang tigang na tutuli sa dalawang tenga ko. Ipapaalis ko pa. Ganun pala yun. Mas nakakasama pala mag cotton buds dahil lalong nasisiksik sa tenga yung mga dumi. Kaya pala bingi ako minsan e.

Leave a Reply