DISGUSTING STUFF
Hindi ako ganun kabilis mandiri. Siguro dahil nakakadiri ako. Pero pag pinag-uusapan ang mga tae, suka, bulate, ipis, mga laman-loob, horrible deaths etc sa harap mismo ng pagkain or habang kumakain, wala akong pakialam. Bakit yung iba ina-avoid nila pagusapan yon habang kumakain? Kahit yung mga reporter nagpapasintabi pa sa mga kumakain bago mag-report. Basta ako hindi ako sensitive sa ganun. Kasi pag pinaguusapan yun, hindi ko naman iniisip yung actual na tae. Kung inisip mo, as in ivi-visualize mo in vivid details, talagang masusuka ka. Bakit mo nga naman kasi iisipin? Basta isipin mo lang na hindi tae yung pinag-uusapan, makaka-survive ka dun. Hehe.Pero kahit malakas ang sikmura ko sa mga ganyang bagay na nakakadiri, syempre, may breaking point din ako. One time napanood ko sa VCD yung Japanese girlfriend na hinamon yung boyfriend nya na kainin yung tae (ng girl) para ma-prove yung love nya. Ayun..kinain nga nga lalake. Halos masuka-suka talaga ako dun. Nakakadiri.
Pagdating naman sa horror at splatter films, nato-tolerate ko pa yung mga sumabog na utak, lumalabas na bituka, mga tumatalsik na eyeballs atbp. Pero eto lang ang parang hindi ko kakayanin. Iniisip ko pa lang, nangingilo na ako. Pag nakita ko to sa movie, baka i-forward ko na lang or i-mute. Ipa-fast-forward ko kapag may taong nilalagari yung gums nya ng lagaring bakal na pinadaan sa pagitan ng ngipin. Eeeh..Pipindutin ko naman ang “mute” kapag may long fingernails na ini-scratch sa chalkboard and the like. Sakit sa tenga…