BACK TO BLOGGING
Two weeks ago, nag-try akong mag-switch sa Firefox for one day. Syempre, before that, nagdownload muna ako ng extensions para may Opera-like features din. Ang nangyari, hindi ako nag-survive. Balik Opera pa rin ako. Ewan ko nga kung bakit more people are using Firefox e kahit na halos walang feature ang FF except tab-browsing upon initial download. Siguro dahil sa security….pero para sa akin, basta hindi IE ang browser mo, secured ka na e. Tsaka mas mabilis pa rin mag-render ng webpage ang Opera kesa sa FF.
“Opera is by far the quickest browser on Windows, leaving Explorer and Mozilla to eat its dust.” Peter-Paul Koch at quirksmode.org
Ginagamit ko lang ang FF kapag may site na incompatible sa FF e. Head over here and let the author explain further. Basta ako binigyan ko ng chance ang FF to redeem itself pero wla pa rin e. Well, kanya-kanyang preference naman yan so if you haven’t tried Opera yet, why not give it a shot? Hehe…nag-endorse ba?
Naasar ako. Sana nag-Blogspot na lang ako. Walang kwenta kasi ‘tong Blogdrive e. Hindi na nga na-iindex ng Google yung archived entries, hindi pa naha-harvest ng Kinja. Ang mas nakakaasar, kailangan ng premium account para ma-export at maback-up ko yung lahat ng entries ko. Gusto ko pa namang lumipat ng site (kay Jong, o ayan may referral ka na) kaso kelangan ko isakripisyo ang 200 entries ko e. Hindi ko kaya iwan ang blog na ito. Sana may iba akong makitang paraan para ma-export ko lahat ng entries.
Nag-aaral akong magka-lucid dream. (think of the movie Vanilla Sky) Yung bang aware ka na nanaginip ka tapos nakokontrol mo yung dream. Kasi once na nakontrol mo na yung dream mo, nothing is impossible. Pwede kang lumipad at magmagic or pumatay ng tao dahil hindi ka na kakabahan sa consequenses kasi alam mo naman na panaginip lang yun. There are ways to achieve lucid dream. Just go to my favorite dream interpretation site at: Dreammoods.com para malaman nyo kung panu magkaroon nito. Three times ko pa lang naggawa to kasi salat nga ako sa tulog ngayun dahil sa thesis. Yung una, hinahabol ako ng aso. Nung naging aware na ako, hinarap ko yung aso tapos nagkaroon ako ng wand at sumigaw ako ng “Ridikulus!” . Ayung sumabog yung aso, naging confetti. Hehe.. Tapos yung isa naman, nakalipad ako hanggang outer space at tinodo ko yung pag-descend ko sa atmosphere. Para akong meteor na bumubulusok. Ang galing nga kasi, ramdam ko yung adrenaline rush habang nangyayari e. Tumatayo talaga balahibo ko. Astig. Pag naulit yun, pupunta akong school at sasaksakin ko yung mga panelist namin sa thesis.
Isa pa sa mga nagpapa-busy sa akin ay yung ginagawa kong birthday presentation para kay Champ. You know….yung vocalist ng Hale,. Yung tatlong kapatid ko kasing babae, medyo close na sa kanya dahil sumusunod sila sa mga gigs ek ek. So nagdecide na gumawa ng presentation para sa Feb 8 birthday nya. Kita nyo naman, one month na ang nakalipas hindi pa rin sya tapus. Ang ginawa ko lang naman ay i-paste yung mukha nya sa mga movie posters, idikit sya sa mga idol nya like John Mayer, or i-mate sya sa mga ibat-ibang girls. “Mate” (inspired by Conan o Brien) as in i-ko-combine yung mukha nya at, say Amanda Griffin, to produce an ‘offspring’. Gumawa din ako ng remix ng Ulan ng Cueshe. Jinambol ko yung lyrics. “Lagi na lang ako tanga..” Ie-edit ko rin yung mga video greetings nila atbp. Syempre papayag lang ako kapag may bayad. At dahil babayaran nila ako, magkakapera ako sa bakasyon. Hehe.

Eto yung balak na back cover ng vcd na ibibigay nila.
Hindi ko akalain na gagawa ako ng presentation sa taong nabanggit ko sa Aug 22, 2005 entry ko:
Teka lang. I’m not attacking Hale. Gusto ko rin naman music nila e. …. It just so happens na popular ang Hale ngayon.
Wish ko lang na sana yung mga “fans” na ganun, ma-appreciate nila yung buong banda at syempre yung music…hindi lang si Champ.
^ (Note: Yung mga sister ko: Hindi ganitong klaseng “fan”)
Okay. That’s all for today. Sana dumalas uli pagbla-blog ko…