BROWN BOOKS

I’ve finished reading Dan Brown’s Angels and Demons last month and Deception Point three weeks ago. Well, ano naman masasabi ko?Para sa akin, mas maganda ang A&D kaysa sa DVC in terms of the action at lalo na yung ending. Pero ewan ko, mas na-enjoy ko kasi DVC kasi mas mabilis yung pacing nya. (At siguro dahil alam ko na kung ano itsura ng mga characters dahil binase ko sya sa upcoming movie). Yung A&D kasi, sa bandang gitna na nagsimula yung adventure. Pero enjoy talaga yung A&D. Pero yung ibang scenes naman kasi, napaka-imposible na? Pano naman nabuhay si Langdon after falling thousands of feet above the earth? Alangan naman mamatay sya? E di wala ng DVC..

Parehong-pareho rin kasi yung plot structure ng A&D at DVC kaya mas gusto ko yung una kong nabasa (DVC). Para tuloy na-recycle na yung plot sa A&D kahit nauna pa ‘tong ma-publish sa DVC. Kasi ba naman. Parehong…

…may pinatay na matanda sa simula
…hinuhubaran ang mga namamatay. Bakit ba gustong-gusto ni Dan Brown na manghubad?
…Vetra and Neveu (usual leading ladies)
…laging nagse-sex yung bida at leading lady sa huli (or at least may pahiwatig na magse-sex sila). (Take note: Pati Deception Point ganun)
…laging may involve na sex. Yung ritual sa DVC, yung reward ng Hassassin sa A&D at sex scandal pictures sa DP.
…laging may ampon or something related to family.
…at yung mastermind lagi na lang yung main ally nila tulad ni Teabing, Camerlengo at William Pickering ( highlight to see: possible spoilers from A&D, DVC and DP)

By the time nga na binasa ko yung Deception Point…pinilit ko na lang tapusin for the sake na matapos ko sya. Nasawa na ako sa style nya e. Tapos ang tagal pa sabihin kung ano yung NASA findings beneath the ice…tapos ayun lang pala. Dun pa lang sa quote ng isang US Presient sa first page, alam mo na kung ano yung find na yun.

Babasahin ko pa ba ang Digital Fortress? Siguro…

Leave a Reply