WEIRD HABITS (updated)
Dalawang beses na ako nata-tag kaya eto na. Actually hindi habit yung iba…basta kahit anung weirdo sa akin…
1. Kapag may ililipat akong bagay papunta sa isang lugar, mas gusto ko na kunin na yung lahat ng ‘yon sa isang kuhaan lang kahit gaano pa karami yun. Basta hanggang kaya ko. Halimbawa, sa mga sinampay, sa mga bote ng beer etc. Kaya lagi akong nakakahulog ng sinampay sa lupa e. Ewan ko nga kung ganun lang ako katamad o meron pang ibang dahilan.
2. Sumisinga ako sa damit ko (at dati, sa kumot pa). Sipunin pa naman ako tuwing umaga. Kaya pagbangon ko, puro tuyong sipon yung manggas at ilalim ng collar ko.
3. Wala ako pakialam kung hindi ako nakapag-toothbrush bago matulog. Lalo kapag sobrang antuk na antok na ako, lagi ko na lang ipano-postpone para kinabukasan. Pero at least, hindi pa rin sira-sira ang ngipin ko. (FYI: ako ang pinakamagandang set of teeth sa pamilya namin..even dentists agree!)
4. I trim the hairs on my legs (and thighs) when it come to a point na I become very irritated on it. Usually every 2-3 months, I think. I have a feeling that it will continuously grow hanggang di na ako makalakad sa sobrang bigat ng paa ko.5. Nangangagat ako. Pag nilalambing ko yung ate ko or yung two younger sister ko, kinakagat ko yung arms or legs nila. Pati paa ng ate ko kinagat ko na din e.
6. I chew (or eat) ice. Wala lang. Masarap e. Pag naubos ko na yung Coke, yung yelo naman kakainin ko. I read of a theory that people who chew a lot of ice have a high sex drive. [link] Haha…kaya naman pala…hehe…joke lang!7. Kinikuha ko yung daliri ng kapatid ko tapos ipinapasok ko sa ilong ko. Parang sila yung kukuha ng kulangot ko. Haha…Kakadiri. Kaya pag sinimulan ko nang hawakan daliri nila, umaalis na sila e.
8. Bago kumain, nagni-nibble muna ako ng kanin. Lalo na kapag may balat pa yung kanin…Saya e.
Haha…ang dami…
Marami pa sana kaso wala na akong maisip ngaun e. Pero karamihan tlaga puro kababuyan. Nakakadiring tao kasi ako e. Nainspire tuloy ako kay Jong na maglagay ng mga nakakadiring bagay.
[P.S. Kahapon lang, sinilip ko yung friend ko sa classroom nila at pinakyuhan ko.]