KUDETA?!? SO WHAT?
Posted in Complaints on February 24th, 2006Walanghiya naman kasi ‘tong mga general na pasimuno ng “kudeta” daw na ito e. Hindi na naawa sa bayan. Sa halip na sine-celebrate ang 20th anniversary ng People Power I e nada-divert tuloy ang attention ng tao dyan. Hindi man lang sila naawa sa mga natabunan ng putik sa Leyte. Sa halip na dun naka-focus ang attention ng gobyerno e..tsk tsk tsk…
Pero kung totoong magkaroon man ng kudeta…well, dalawa lang ang meron dyan: Advantage: Walang pasok. Disadvantage: Walang allowance. Hehe Joke. Pero may part sa akin na nagsasabi na gusto kong magka-kudeta kasi gusto kong makaranas ng kudeta minsan sa buhay ko. Wala pa akong alam kasi sa mundo nung nangyari yun ng time ni Cory e. Pero wag naman sana. Isa pa, sawa na tayo sa People Power. Nakakahiya na tayo. Two is enough. Cover pa naman ng TIME Magazine ang EDSA I…
At speaking nga ng 20th anniversary ng EDSA. Natutuwa ako dahil kasing edad ko ang EDSA. Kapag nakalimutan ko kung ilang taon na ako, aalalahanin ko na lang yung EDSA I. Pero nung time na yun, nasa sinapupunan pa ako e.? Nasa bahay lang nanay ko. Kung hindi lang sya buntis ng 5 months nun, edi sana nakapunta na rin sya (at ako) sa EDSA I. Yun din pala ang advantage ng pagiging 20, marami kang ka-birthday na school. 20 na rin kasi ang Southridge Night School at yung school ko nung elementary. Hehe….wala lang.
Â