MANALO-MATALO

Naiinis na ako sa overhyping ng ABS-CBN sa laban ni Paquiao at Morales. Masyadong OA na. Puro na lang lagi si Pacquiao as if naman na sure na sura ang lahat ng Pilipino na mananalo sya. Overconfident nanaman sila e. Di ba yun nga yung dahilan kung bakit natalo sya dati? Tapus ngayun ganun na naman. 

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o hindi dun sa kanta nyang “Para Sa’Yo ” e. Assurance lang yata yun na kapag natalo sya, at least recording artist na sya agad.

Basta para sa akin, pag nanalo sya, edi masaya! Pag natalo sya, edi mas masaya! At least, matauhan sila na hindi panalo lagi. Hindi naman sa pessimistic ako pero wag kasi tayong masyadong overconfident kay Manny. Kasi pag natalo sya, mas masakit and I’m sure ang sasabihin na naman ng mga Pinoy na nadaya si Pacquiao.

Bahala na. Let’s just hope for the best this coming Sunday….

 

2 Responses to “MANALO-MATALO”

  1. Catalina Says:

    Nakakahiya ka, palibhasa sa sarili mo ay wala kang self confidence. Anong over acting ang ABS-CBN, palibhasa tunay silang sumuporta sa sariling atin, di gaya mo na backstabber, inggetero pa. Palibhasa, wala kang boses so nainggit ka sa pagigigng recording artist ni Manny.Kaya napindeho ka dahil sa masyado kulang ka ng tiwala sa sarili mo. Bahala na… palibhasa sugarol ka, kaya ibinabahala mo na lang. He he he.. jk jk jk

  2. tiamy Says:

    Whow..teka lang. Di ba si Pacquiao na rin nagsabi na masyado syang naging overconfident kaya natalo sya ni Morales? At eto namang ABS, puro Pinoy power naman ang gimik kasi naghahabol sa ratings. Kilala mo ba ako in person? Kung magsalota ka kasi e ‘kala mo kilala mo ako. Hehe…wag masyadong over-acting…

Leave a Reply