ACHIEVE INSTANT FAME
Lahat ng 10 years old below (mas bata, mas malaki ang chance manalo) at hindi gaanong maykaya ay inaanyayahang sumali.
Upang makasali, mangyari lamang na pumulot ng pera ng nagkakahalaga ng P100,000 pataas at dumulog sa tanggapan ng GMA7 o ABSCBN upang hanapin ang may-ari. Kapag pinalad, maaring manalo ng medal at isang handshake mula sa Pangulo, tropeo mula kay Mayor, scholarhip mula sa STI, sangkatutak ng TV exposure, special passes to Wowowee at Eat Bulaga at trip to major network studios. Maaari din kayong magkaroon ng future acting and singing career at chance na makita ang iyong mga paboritong artista!*
Dali! Gawing kasabwat ang iyong kapitbahay at mas maging sikat kaysa sa mga StarStruck survivors at mga housemates. Siguradong mapapadali ang inyong pangarap maging artista!
Promo ends January 31, 2006. Per DTI NCR Permit no. 98465. Series of 2006
* No cash prizes will be given to the winner.
Â