AMERICAN HUMOR
Hindi ako masyadong nanonood ng mga American comedy shows sa cable. Yung mga Friends, Will & Grace, Saturday Night Live etc. Isa sa mga reason ay yung wala akong time manood ng mga shows na’to lalo na’t dito sa bahay, marami akong kalaban sa TV lalo na sa gabi. Nakakapaglipat lang ako ng channel kapag commercial na kaya dito sa bahay, kilala ako bilang master ‘tagapindot’ ng remote control. At isa pa, bihira lang ako matawa sa mga jokes at punch lines nila.
Â
Ewan ko ba kung bakit ganun kababaw ang kalgayahan ng mga Amerikano e. Yung mga studio audiences, tuwang-tuwa na agad sila sa konting bagay at todo halakhak talaa sila. At tsaka yung iba jokes, sila lang ang nakakaintindi. Tapos kadalasan sa mga late night shows nina Conan at Jay Leno, puro politically-oriented yung mga punchlines. Di naman ako maka-relate… Nakakatuwa naman yun ibang situations pero pag may mga references na sa kung sino-sino, hindi na ako natatawa. Yung mga studio audiences lang. Natutuwa lang ako sa mga impersonation nila lalo na yung mga music video spoofs sa MadTV.
Â