RANDOM BLAH BLAHs
Kanina napa-usapan namin yung mga anime. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng mga teenagers ako lang yata ang walang hilig dun. Lalo yung mga anime ngayun. DragonBall at Ghost Fighter lang yata napanood ko e…tsaka yung mga Mojacko at Doraemon lang (anime ba ‘to?). Kasi panahon natin yung mga Sarah, Cedie, Julio at Julia, Tom Sawyer,Peter Pan, Mask Rider Black, Bioman, Voltes V, Takeshi Castle, Flying House tsaka yung cartoons na tungkol sa takore na may time machine. Eh ngayun, puro PC Games na uso. Pero di ko talaga trip yung mga anime ngayun like Naruto. I’m not even trying to watch it. Parang pare-parehas lang naman kasi. Tsaka parang feeling ko, napaka-immature ko naman kung tangkilikin ko pa yan. Parang pambata. Bumibili pa ng badge at nangongolekta ng mga CD ng anime. Well, kanya-kanyang trip lang yan kaya wala na akong pakialam sa iba. Kung masaya sila sa anime, ok lang, Wala naman akong magagawa e. Mabaliw na sila sa lahat wag lang sa Pinoy Big Brother (uy, first time ko yata binaggit ang show na ‘to sa blog ko a.)
Nakakainis talaga yung billboard ng Dove sa SLEX. Yung “flat or flattering?” ad nila, may nakalagay kung ilang percent yung boto. Nakalagay ba naman 50%-50%. Are they expecting us to believe that those figures are true? Napaka-obvious tuloy na minanipulate na nila yun results nun. Nagpa-raffle dati yung GMA 7. Nokia 7650 ang prize. Magte-text lang, may chance ka na manalo. Eh yung friend ng prof ko nagtatrabaho sa GMA as a programmer. Ang ginawa nya. Ipinanalo nya yung wife nya “via an electronic raffle”. Kaya yun, instant cellphone agad. Kaya sayang lang ang mga load natin kung magsasasali tayo sa mga ganun.
As you may now notice, Harry Potter ang drama ng blog ko ngayun. As a movie addict, I think this is the best thing that will happen this month. Sana lang hindi ma-decompose ang group namin sa Soft-Eng para naman masaya ang panonood ko ng HP. Pangit kasi kung may iniisip ka na problema while watching. Sana masatisfy ako sa movie. I’m planning to watch it without recalling the events from the book. I’m gonna watch it as a movie that stands on uts own and not as a lousy adaptation. Tsaka pag kinalimutan mo yung details ng book, mas ma-eenjoy mo kasi may element ng surprise kahit paano.
Check nyo yung article ng Philippines sa Uncyclopedia. (Parody site ng Wikipedia). Eto yung link. La lang, Nakakatuwa lang.
Speaking of “Philippines”. Nagwa-wonder lang ako kung bakit tayo lang ang tinatawag ng may “The” as in “The Philippines”. Pati yata Neatherlands may “The” din e. Eh bakit naman yung France, hindi “The France”. Yung Poland, hindi “The Poland” kahit sa “P” rin yung nagsisimula. Bakit nga ba? Matagal na bumabagabag sa akin ang tanong na ‘to.
November 12 pa lang, may nagsimula nang mangaroling sa amin. Ayun, binigyan muna namin ng 5 pesos kasi bueno mano. Pagkatapos nila mangaroling, ang kapal ng mukha, nagtawag pa ng mga kabarkada para mangaroling uli sa amin. Sinigawan na namin ng “PATAWAD!” Nagulat nga ako e. Napaisip tuloy ako kung anong date na ngayun. Hindi ko pa feel ang Christmas. Well, kelan ko ba na-feel? Actually, wala akong pakielam sa Pasko. Napaka-passive ko talaga. I just let every December 25 pass away (for the past 5 years yata). I treat every Christmas Day as an ordinary day. Parang no big deal about it except for the fact na sine-celebrate nga natin yung birthday ni Jesus. Wala na sa akin yung “time na magsama-sama ang pamilya” thing e. Lagi namang kami sama-sama. Parang Christmas naman dito lagi sa bahay. Laging masaya. 5 ba naman kaming magkakapatid, hindi pa ba naman masaya yun? Parang “What’s the difference?”
Â