“ANG BUHOK-BUHOK MO!”
Yan ang laging sinasabi sa akin ng mga classmate ko pag wala silang ibang masabi sa akin…lalo na si Jong. Lagi kasi nilang napapansin yung mga balahibo ko sa arms. Ang dami kasi. Hindi naman actually makapal at kulot. Hindi naman ako namumukhang unggoy. Cute naman e. Hehe. Minsan nga binubunot nila e. Tapos pag may nakuha, mandidiri sila sa nakuha nila.
Â
Namana ko na ‘tong pagiging balbon. Buti nga hindi ako mala-Sergio (sa Marimar) o Dino Guevarra sa dibdib e. Syempre pag meron sa arms, expect mo na rin na makapal yung sa legs….(akala nyo kung ano no?).
Ewan ko ba kung bakit nila pinakikialaman. Hindi naman sila in-ano ng mga balahibo ko. Wala namang ginagawa sa kanila…
Minsan tuloy, napansin ko na rin sa jeep na tinitingnan ako ng mga tao sa arms. Aba’y pakialam nila? Inggit lang sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganun?
Â