IT ALL STARTS WITH MY TONGUE

Kanina napagtripan ko yung dila ko. Wala lang. Natuwa kasi ako nung tinitingnan ko sa salamin yung dila ko. Ang cute kasi di ba? Gumagalaw-galaw. Parang bulate. Involuntary muscleskasi. Kahit anong pagpapatigil ko, gumagalaw pa rin.

 

And then mayamaya, parang kinilabutan na ako sa nakikita ko. Parang biglang naging weird ang isang human face na katulad nung akin. Parang I feel something different about my tongue. I just came to think na what if I came across an alien creature that use their mouth to talk and then may parang bulateng malaki na lumabas sa bibig nya. Di ba masha-shock ka nun? Do you know what I mean? O ako lang ang ganito? Siguro at that moment, I saw my tongue in reference to my whole face. Parang biglang nag-overview. Yun bang parang hindi na normal na tao ang nakikita ko?

Parang ganito.. kapag may word ka na pino-pronounce like for example, “notebook”. Kapag sinabi mo siya nang sinabi, later on mare-realize mo na ang pangit pala pakinggan…

Ganun din kaya sa dila? Kakatitig ko sa dila ko, bigla akong na-weirduhan…

 

Leave a Reply