NGAYON KO LANG NALAMAN

Natutuwa ako sa bagong discovery ko ngayong araw na ‘to.
For several years, I’ve been wondering kung sino nagpapatay at nagsisindi ng mga street lights araw-araw. Akala ko dati, naka-assign yun sa mga designated na bahay at meron taga-switch on and off kapa umaga na o gabi. Inisip ko rin na Meralco din ang nagswi-switch nun. Yun pala, hindi.

 

Kasi, yung poste ng ilaw dito malapit sa bahay, 24 hours bukas. Two weeks na ‘tong ganyan buti na lang hindi pa sumasabog dahil sa overheat. Akala ko ba nagtitipid ang gobyerno? Ang dami kong nakikitang poste ng Meralco na open din day and night e.

Nalaman ko sa kapatid ko na may (sort of a) solar panel pala yun sa taas na nagde-detect kung madilim na or maliwanag na. Kapag dumilim na bubukas na ang ilaw and vice versa. That explains kung bakit namamatay yung ilaw sa poste kapag kumikidlat…kasi naiilawan. Akala ng panel, umaga na. Hehe…Akala ko dati, may poste na natamaan ng kildat kaya namatay din yung ibang poste.

 

Leave a Reply