SOME MISUSED WORDS

Napipikon na ako sa mahilig gumamit ng salitang ‘sobra‘. Lalo na yung mga artista sa TV, pag tinatanong kung ano ang nararamdaman nila or basta inini-interview sila: 

Sobrang masaya as in sobra-sobra.
Sobrang thankful ako sa mga fans ko.
Sobrang natutuwa po ako.
Sobrang nakaka-miss yung mga housemates ko.
Sobrang naiipit ako sa situation naming dalawa.
Sobrang ayoko pang mamatay.

Ang pangit di ba? Sobra na yung paggamit nila ng ’sobra’ kahit hindi naman dapat ayun yung dapat gamitin na adjective. At least okey naman yung paggamit ko ng ’sobra’ sa previous sentence ko. Minsan mukhang okay pakinggan pero mali talaga e.

Yung prof ko naman sa Rizal, dean pa naman ng Dept. of Language…at PhD pa. Natawa na lang ako sa fusion nya ng ‘magkaroon’ at ‘mayroon/meron’. Ginagawa nyang ‘magkameron‘. Ano ba naman yun? Mali yun di ba?

 

Leave a Reply