Archive for October, 2005

“NO ANIMALS WERE HARMED IN THE MAKING OF THIS FILM”

Posted in Complaints, Movies on October 28th, 2005
Napaka-OA ng mga Kano pagdating sa animals. Kahit daga lang na hindi makababa sa poste ng ilaw, itatawag pa nila sa 911 para i-rescue. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang concern nila sa mga hayop. OA na. Sa movie na Shawshank Redemption, minonitor ng American Society for the Prevention of Cruelty yung shooting ng isang scene where there is a live maggot na ipapakain sa crow. Kailangan daw, namatay by natural death yung maggot bago ipakain. So naghanap muna sila ng dead maggot bago mag-shoot.

I WANT TO SEE A DEAD BODY…

Posted in About Me on October 21st, 2005
…in person, as in naliligo sa dugo at labs ang bituka at utak. Gusto ko makakita ng taong nasagasaan ng tren at chop=chop na katawan. Hanggang sa TV at pictures ko lang kasi nakikita e tapos naka-blur pa minsan. If I want to see gore, I watch splatter films or just go to rotten.com or ogrish.com. Pero gusto ko naman in person. Lagi na lang nasa kabaong na pag nakita ko e. 

Asong nasagasaan pa lang ang nakikita ko in person…labas bituka and striving to breath kahit kalahati na lang ang katawan. Sana tao naman. Basta hindi ko kakilala, Bahala na kung pano sya namatay…Ayokon makita kung pano sya namatay, maaawa ako. (Naks! At least may natira pang awa) Hehe…

 

NOT TELEGENIC

Posted in About Me on October 19th, 2005
Ayokong makita sarili ko…I mean kapag may video coverage (tulad nung sa debut ng ate ko), medyo okay lang na makunan ako ng camera…basta ang ayoko lang ay yung papanoorin ko yung sarili ko in TV. Kaya I prefer to be behind the camera kesa umarte sa harap ng camera. Dun sa short film namin pumayag akong maging extra dahil request ng mga classmates ko. Pag pinapanood nila yung video production namin nung high school, fino-forward ko yung part ko. Ayoko talagang makita. Naaasiwa ako. Ewan ko ba… 

Yung kapatid ko rin ganun e. Siguro dahil parehas kaming Gemini…
Pero sa pictures medyo okay pa. Pero andun pa rin yung pagkaasiwa. Kahit boses ko ayokong naririnig thru a voice recorder. Para kasing hindi ako e. Bakit kaya may ganung tao? Siguro iba tingin ko sa sarili ko at hindi ako satisfied sa Alvin na nakikita ko sa TV. Ah…..ewan….

 

NGAYON KO LANG NALAMAN

Posted in About Me, Daily Lives, Entertainment on October 14th, 2005
Natutuwa ako sa bagong discovery ko ngayong araw na ‘to.
For several years, I’ve been wondering kung sino nagpapatay at nagsisindi ng mga street lights araw-araw. Akala ko dati, naka-assign yun sa mga designated na bahay at meron taga-switch on and off kapa umaga na o gabi. Inisip ko rin na Meralco din ang nagswi-switch nun. Yun pala, hindi.

SOME MISUSED WORDS

Posted in Daily Lives, Complaints on October 10th, 2005
Napipikon na ako sa mahilig gumamit ng salitang ‘sobra‘. Lalo na yung mga artista sa TV, pag tinatanong kung ano ang nararamdaman nila or basta inini-interview sila: 

Sobrang masaya as in sobra-sobra.
Sobrang thankful ako sa mga fans ko.
Sobrang natutuwa po ako.
Sobrang nakaka-miss yung mga housemates ko.
Sobrang naiipit ako sa situation naming dalawa.
Sobrang ayoko pang mamatay.

Read more »

SA WAKAS, NABASA KO NA ANG “DA VINCI CODE”

Posted in Books on October 7th, 2005
Oo nga. Late na ako. 2003 pa ‘to na-publish pero ngayon ko lang nabasa. Ngayon lang nagkaroon ng time at book na mahihiraman. At syempre, main motivation: the controversy and the movie. 

I had a great time reading it kasi exciting nga talaga. Tsaka ang galing pa niya putulin yung bawat chapters. Parang alam ni Dan Brown na i-mo-movie talaga yung novel nya. Kung may time lang ako, babasahin ko uli, pati siguro yung Angels and Demons.

Read more »