THEN & NOW

NUNG BATA* PA AKO…
. . .umiihi ako sa kama.
. . .sumusuka sa bus at may phobia sa airconditioned vehicles.
. . .sumali ako sa Little Mr. SNSM (Sto. Ni񯠓chool of Muntinlupa) at naging Mr. Talent after singing You Were There. (Grade 1)
. . .naging Mr. Denmark ako sa United Nations Week (Grade 2)
. . .naging substitute contestant ako to the last minute sa isang Math Quiz Bee dahil absent yung original na contestant. Ako pa yung nanalo.
. . . nakikipaglaro ng patintero, tumbang preso at taguan sa kapitbahay.
. . .limang piso lang ang baon ko…nakakabili na ako ng Zesto at Hansel.
. . .idol ko si Godzilla (the 1998 version) at gumawa pa ako ng series of animations using 3 blank notebooks.
. . .solid Kapamilya (pero wala pang term na ganito noon)

. . .kabisado ang bawat single sa unang album ng Backstreet Boys (::nahiya::)
. . .dumukot ako ng isang Tootsie Roll sa tindahan sa tapat namin habang pusa lang ang nagbabantay.
. . .tumae ako sa shorts sa loob ng classroom kasi nahihiya akong tumae sa CR dahil walang pinto dun at pagpyepyestahan ka ng ibang elementary students.
. . .nakatae na ako sa inidoro habang kumakain (kasi may dalang sawa yung tatay ko kaya sa sobrang takot ko at sobrang sarap ng ulam, kumain ako habang tumatae…). Kadiri!

 

HANGGANG NGAYON…
. . .hindi nagsusuklay ng buhok pagkagising sa umaga.
. . .nagpapapak ng Milo/Ovaltine hanggang merong nakalagay sa tupperware.
. . .umiinom ng kapeng malamig na may kanin.
. . .sumisinga sa manggas ng damit. (gross!)

Meron pang iba…di ko lang maalala ngayun.

________________________________
*”bata”–> 12 years old and below

 

Leave a Reply