HALE *Fans* Club
And now, Hale has a fastfood commercial na. Para na silang boyband at yung ibang band member, parang saling-pusa lang sa commercial. Nahiya lang siguro yung producer ng commercial na sabihin sa ibang band member na si Champ lang talaga yung kailangan sa commercial kaya sinama na rin yung iba. They take advantage sa popularity ng Champ na ‘to. Dapat hindi na Hale yung name ng band e. Dapat “Champ” na.
Teka lang. I’m not attacking Hale. Gusto ko rin naman music nila e. Baka sabihin nyo inggit ako kay Champ dahil gwapo siya at ako hinde…Hehe…Hindi naman ako nagsabi na gwapo e…yung 3 sisters ko..Bwahaha…Ayoko lang dun sa mga *fans* na ganun. Hindi lang naman sa “fans”ng Hale pati na rin sa iba. It just so happens na popular ang Hale ngayon.
Wish ko lang na sana yung mga “fans” na ganun, ma-appreciate nila yung buong banda at syempre yung music…hindi lang si Champ. (Ganun din sa mga fans ni Legolas ‘lang’ na sana ma-appreciate yung buong trilogy hindi lang si Legolas.) Dun lang matatawag na tunay na fan. Ayoko rin kasi ng super popular things as in kasing popular ng Math question na “1+1 ?”
(Exception na dun yung LOTR syempre. Hindi ko naman nagustuhuan yun dahil lang sa popular yun. Nagkataon lang na marami rin may gusto kaya popular na din. Edi parang ganun din ang Hale? Eh…bahala na. Basta iba pa rin yun. Ako na lang nakakaalam.)
Kahit ako, ayoko ng popular ako. Low-profile lang ako. Ayoko ng nagpapa-popular. Mas gusto ko yung makilala ako sa talent ko (kung ano man yun) ng hindi nagpapa-obvious na may ganun pala akong talent. Gets? Yun bang parang hayaan nyo silang ma-discover kung ano man yun…
Â