OF CHAIN LETTERS & etc…

Nakakaasar na ang mga chain messages/letters via email at lalo na sa YM! Lagi na lang ako nakakatangap ng mga forwarded na message na kesyoi magsasara na daw ang Yahoo at para malaman nila kung sino ang mga active users kailangan i-send nila ito sa buddy list nila.
Ganito rin halos yung natanggap ko sa Friendster. Aysus! Excited pa naman akon i-open yung Inbox ko sa Friendster yun pala chain letter lang. Ganun din ang raket. Magsasara na daw ang Friendster! Malalaman naman ng Friendster kung active pa ang user kahit hindi mag-send ng mga chain letters di ba? Alam nga nila kung kelan yung “Last Login” di ba?

 

At meron pa isang raket sa YM na pag sinend mo ito sa 20 people at may right-click-right-click pang nalalaman sa buddy list para malaman kung sino ang invisible. Hindi ako nagpapapaniwala dyan. Obvious naman na panloko lang yan e. Ang dami namang nakagat….

Minsan nakatanggap na rin akong YM msg na tungkol naman sa batang may sakit kuno. Every msg sent will give him 7cents para daw sa operation. Sus!

Eto pa yung another type of chain message via YM..nangongonsensya pa.

why do we sleep in the church..but when the sermon is over we suddenly wake up?, why is it so hard to talk about God…but so easy to talk about sex?, why are we so bored to look at a Christian magazine…but so easy to read a playboy magazine?, why is it so easy to delete a godly offline messages ..yet we forward the nasty ones? why are churches getting smaller…but yet bars and clubs are growing??…..think about it….are you going to forward this or delete it? Just remember God is watching you if u love Jesus then send this to everyone on your list.

 

Leave a Reply